Chapter 49 “Nathalia!” kaagad na napatingin si Nathalia sa gawi na pinanggalingan ng boses na iyon na walang kasing bagsik. Si Nexus! Nahila niya ang kamay mula sa abogado na parang ayaw na siyang pakawalan. Anong ginagawa ng asawa niya sa Taytay? Sumunod ba ito dahil mag-aalas seis na? Kanina pa ito bumiyahe kung ganoon kasi halos isang oras ang byahe mula Makati kung normal ang takbo ng kotse. “Get your filthy hand off of my wife’s skin or I’ll empty my magazine by shooting your f*****g d**k!” gigil pang sambit nito na ikinalaki ng kanyang mga mata. “Nexus! Your mouth!” pasigaw na saway niya sa asawa na walang kakontrol-kontrol ang bastos na bibig. Natutop niya ang noo sa sobrang kahihiyan. Si Vincent ay patawa-tawa naman sa isang sulok at nakatakip sa sariling bibig. Isa pa ang wa