Chapter 52 Dinaig pa ni Nexus ang isang gwardiya sa Malacañang sa walang kapagurang pabalik-balik niya sa harapan nina Nathalia at ng abogagong hilaw na si Jovann Gonzales. Kilala niya ang lalaking dakilang manunuhog ng babae. Simple itong dumiskarte pero mabilis. Kaklase ito ni Nicolai, ang dapat na OB ni Nathalia pero ayaw ng asawa niya. Pero hindi lulusot sa kanya si Jovann. Kung kailangan niyang ipasok sa sako si Nathalia, ikukulong niya para lang hindi maisahan ng walangyang lalaki. Bwisit din siya sa ama nito, dahil ang ama ni Jovann ang nagpursige ng kaso laban sa kanila ng kuya Rix niya nang mamatay ang mga magulang ni Nathalia, noong bente uno siya. And what he heard. The records would now be cleared. Umamin na si Ignacio na iyon ang nagpapatay sa mga magulang ng asawa niya kaya