NAPAKAMOT SI BK nang daanan lang siya ng asawa. Galing ito sa silid ng anak. Mukhang pinaliguan yata nito, basa kasi ang damit nito. “Baby…” Hindi man lang siya nilingon ng asawa. Derederetso lang ito sa silid nila at nagbihis. Mahigit isang linggo na mula nang hindi siya nito pinansin. Nainis siguro dahil nagtulog-tulugan siya habang panay ang paliwanag nito nang gabing iyon. Ayon, kinabukasan, para siyang wala sa paligid hanggang ngayon. Nainis lang naman siya dahil nagpahalik ito sa kamay. Narinig niya ang pinag-usapan ng mga ito, masaya siya dahil inamin nitong hindi naman siya nawala sa puso nito sa kabila ng kasalanan niya. Sana pala, tinanggap niya ang paumanhin nito tungkol sa na naabutan niya. Hindi rin naman daw inaasahan nito ang ginawa ni Emmanuel. Nakasandal siya noon s