“MAX!” tawag niya sa kapatid na pasakay na noon ng chopper. Lumingon sa kan’ya ang kapatid. Halata pa rin ang inis sa mukha nito. “‘Wag ka ng sumunod sa akin, Daphne. Hindi mo naman ako kailangan. Makinig ka na lang sa mga taong gusto mong pakinggan at paniwalaan.” Napapikit siya. “I’m sorry, okay?” Luminga siya. Si Max at ang piloto lang yata ang naroon. “Mag-usap muna tayo. ‘Yong tayong dalawa lang.” Napahilot ito sa sintido nito. “For what? Hindi mo naman ako papaniwalaan.” “Sorry na nga. Makikinig na ako sa ‘yo ngayon. Basta maging honest ka lang. Okay?” seryosong sabi niya sa kapatid. Matagal bago tumango ang kapatid sa kan’ya. "Okay." Iginiya siya ng kapatid sa dalampasigan ulit. Wala raw makakarinig ng usapan nila doon. Naupo sila sa buhangin, parehas na nakaharap sa may d