“UMINOM KA MUNA,” ani ng asawa nang lumapit sa kan’ya sabay abot ng tubig. Nasa police station sila ng mga sandaling iyon para sa imbestigasyon. Nanginginig siya habang kinukuhaan siya ng statement dahil sa insidente. Wala naman siyang alam na dahilan para gawin iyon sa kan’ya. Hindi niya nga kilala ang lalaki, e. Norwegian daw iyon, sabi sa kan’ya ni Paul. Kasama nila ito dahil tinawagan ni BK habang papunta sila ng police station. "Matagal pa ba? Gusto ko ng magpahinga," aniya sa asawa. Iniwan nila si Paul na nakipag-usap sa mga otoridad. Ang sabi lang sa kan'ya ng asawa, si Paul na daw ang bahala sa lahat. Mukhang madadamay pa ang ibang tao dahilsin wala siyang ideya sa mga nangyayari. Nabanggit niya nga kanina sa pulis na hinahanap niya ang ama, dahil 'yon naman talaga ang rason k