Czarina's P.O.V Nagising ako dahil sa ingay ng paligid. "Kuya!" boses iyon ni Cha, "Kami muna dali!" Dumilat na ako. "TEKA! ANG APO KO MAAWA KAYO!" sigaw ni--Papa? "AYUSIN MO, CHA!" sabi ni--Cherry? Kumilos ako sa pagkakahiga ko kaya napansin nila ako. Nakita ko si Yvaine na hawak hawak ni Charmaine at si Zachary na ngayon ay buhat-buhat ni Papa. "Pa? Cherry? Anong ginagawa niyo dito?" tanong ko sa kanila at sumandal sa headboard ng kama. "Anak naman. Syempre, gusto kong makita ang mga apo ko. At saka, nang malaman kong nanganak ka na, aba'y nasabik ako sa aking mga apo!" sabi ni Papa na ikinangiti ko. Hindi ko akalain na pupunta pa pala sila dito. Na-appreciate ko ang nilaan nilang oras para makapunta rito at makita ang mga anak ko, grabe ang saya nila! Kinuha na ni Cherr