Blake's P.O.V Papunta na ako kala Lynn at Mark. Naiwan si Czarina sa bahay with Charmaine. Mag si-six months na ang tyan niya at ayokong may mangyari pang masama sa kaniya. Nang makarating ako ay may mga tao na halos lahat ay kapamilya nila or friends. Tingin ko, gusto nila ako ang witness sa nangyayare, kailangan ko din iklaro na hindi ako kabit. Umupo ako sa side ni Mark. Tumingin sa akin si Lynn at napatingin ako sa kaniya. May kung anong awa ang hinihingi ng kaniyang mga mata. Para bang sinasabi na tulungan ko siya, but I can't. Mali ang ginawa niyang pagpapaikot sa amin. Nagsimula nang magsalita ang magkabilang panig. Umupo na si Lynn sa harap. "Sa korteng ito ay katotohanan lamang ang sagot. Mangako kayo sa diyos na hinding-hindi kayo magbibitaw ng salitang kasinungalingan!" s