Thirty-Nine "Bahay mo ba talaga ito?" nakaangat ang kilay na tanong ko sa lalaki. Baka naman kasama n'ya ang parents n'ya rito. Nakakahiyang bigla na lang akong darating. "Yes!" "Nandyan ba ang parents mo?" "Wala, bahay ko ito saka matagal na akong bumukod. Nagkikita na lang kami ni Mom kapag may events sa bahay or may party na pupuntahan. Busy na rin kasi kaming lahat." "Si Rein?" tukoy ko sa bunsong kapatid nito na s'yang hindi nalalayo ang edad sa akin. "May pamilya na s'ya, isasama kita sa bahay nila kapag gusto mong makita s'ya." Tumango ako at binitiwan ang kamay nito. "L.A, kapag ba okay na ang lahat, rito mo ba ako ibabahay?" tanong ko rito. Napangisi ito na mukhang nagustuhan ang idea na sinabi ko. "Ligtas ang lugar na ito para sa'yo, Jas! Kung dito tayo titira, magkak

