Twenty-nine Hindi mawala-wala ang kaba sa dibdib ko pagsakay ng bangka na ayon dito ay nerentahan nito at s'yang maghahatid sa amin sa Isla Guirera. Pero nang makalayo kami sa pampang napansin ko ang signage na nasa tuktok ng hotel. Isla Guerera? Pupunta pa lang kami ng Isla Guerera, ah? "L.A, 'di ba Isla Guirera 'yon?" ganito ba ako kaboba para hindi man lang malaman na nasa Isla Guirera na kami? Mukha n'gang ito na ang center ng Isla. Ibig sabihin dito nagaganap ang mga events, like business meeting, conference and seminars. "L.A!" tawag ko rito pero seryoso lang akong tinignan nito. Bumaling ang tingin ko sa bangkero ngunit ngumiti lang ito sa akin. Bakit parang may mali. Pabaling-baling ang tingin ko sa binata at sa islang iniwan namin. 40 minutes ang tinigal at narating namin ang i

