31 HARRY lazily threw himself at the sofa after entering his condo. Mag-isa na naman siya matapos na maihatid si Arabelle sa bahay. Wala naman doon ang ina niya at umalis daw, sabi ng kapitbahay. Iniwan na niya roon ang kapatid na babae matapos na kausapin pa nang masinsinan, at umaasa siya sa pangako niyong aayusin na ang buhay dahil handa siyang tumulong kahit na ano pa man ang mangyari. Tinawagan na niya ang kanyang abogado para ayusin ang lahat ng pera na iiiwan niya bago siya umalis sa mga susunod na linggo. Ang pangako niyang jeepney sa kapatid na si Linux ay ipinaasikaso na rin niya at ilalabas na lang kung sakaling makapamili na ang kapatid niya. Bahala na naman iyon sa pagtitirhan sa mga babae niyon at doon na kukuha ng panggastos. Papag-aaralin niya ulit ng Mechanical Engineerin