28 HAWAK ang necktie ni Harry ay walang habas si Blesserie sa paghakbang nang malalaki papalabas ng building. “Bilis na Dracula, baka umalis na si doctor Alfonso sa bagal mo.” Naiinis na napapadyak siya dahil parang ang bigat ng lintik na paa nito. “Why not try to carry a twenty-five kilo Golden Retriever?” Inis na sagot nito sa kanya pero as usual ay pinagtawanan lang niya ang pobreng binata. Totoong malaking aso si Collie at lalo na ngayon na buntis na. Nagmamadali na kasi sila dahil tumawag kay Mariposa ang Veterinarian ng aso at aalis daw iyon. Gusto niyang mahabol para makita niya ang mga babies ni Collie. “You’ll gonna pay for this, mi lady.” Tumalim ang mga mata ni Harry kay Blesserie na ikinairap na lang niya. Anong payment? Sasakmalin na naman nito nang buo ang nguso niya? T