22 “HARRY, FASTER. FASTER.” Makulit na hinila ni Blesserie si Harry habang busy ito sa pag-scroll sa screen ng cellphone na hawak habang naglalakad sila papunta sa paborito niyang café. “Wait.” Seryosong tugon nito sa kanya kaya initsa niya ang braso nito at saka mataray na ipinag-krus ang mga braso sa dibdib. “Fine.” Anang binata na may likod niya at saka siya hinila sa siko. “I kept the phone. You won.” Tila dismayado pa itong nailing kaya pinakamasdan niya nang husto ang mukha. Kanina pa siya naiintriga sa mga facial expressions nito na parang problemado. Kahit na hindi ito magsalita ay alam niyang may problema at sa narinig niya kanina na pagsasalita nito ng German, alam din niya na galing sa Germany ang tawag. She heaved a sigh and frowned. “Anong binabasa mo sa Google news?” Mal