45 THE tears keep on rolling over her cheeks as she looks at their hands. Hawak ni Harry nang mahigpit ang kamay ni Blesserie habang naglalakad sila sa may malawak na carpeted na bakuran ng hotel. Doon siya nito iginiya at hindi sa sinasabi nitong private suite kaya sunod na lang naman siya nang sunod. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya. Naghahalo ang tampo niya, pagmamahal at pag-aasam na mas maliwanag na paliwanag mula rito. Parehas silang walang imik at nagpapakiramdaman habang siya ay manaka-nakang tumitingin dito at tinitingnan ang lahat kung may nagbago ba. He never changed except for losing some weight. Nangangalumata rin ito na parang walang tulog. Hindi ba ito natulog sa limang buwan na hindi sila nagkita? Nang tumingin din ito sa kanya ay nahuli siya nitong nakatiti