LIANA JEAN JADAONE- MADRIAGA "LIANA, ilang araw ka nang 'di kumakain." narinig ko na giit ni Mama mula sa pintuan, mahigit isang buwan na mula ng makabalik galing sa Japan at masakit sobrang sakit no'n para sa akin. Pakiramdam ko para sa kanila ay madali lang ang makalimot, pero 'di ko magawang kalimutan si Sebastian dahil isa siya sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko. Hindi ko maintindihan kung bakit 'di nila maintindihan na tunay ang pagmamahal namin. Na pwede naman kahit 'di kami magkadugo, na kaya ko naman tanggapin na may anak siya kay Nicole pero lahat daw 'yon ay mali. Makasarili daw kasi ang galaw na 'yon, at tumatakas kami sa katotohanan na bawal ang lahat. Binalikan ni Sebastian si Nicole at minamadali na ang kasal nila. Ang sabi ni Papa si Nicole ay manganganak sa Australia