KAAGAD NA IKINUYOM ni Sergio ang mga kamao sabay suntok kay Griffin sa mukha. Nang matumba ito, tumakbo naman siya para habulin ang mahal niya. Dahil mabilis ang naging pagtakbo niya, agad niya itong nasundan. Hinawakan niya ang kamay nito at puwersahang iniharap sa kaniya. "Blaire, talk to me, please..." Nangusap ang mga mata niya rito. Malakas na binawi ni Blaire ang kamay sa kaniya saka walang ano-ano'y sinampal siya nang malakas. Sobrang sama ng tingin nito sa kaniya. Parang anumang segundo ay may lalabas na apoy sa mga mata nito. But it doesn't matter. Ang nasa utak niya ngayon ay makausap man lang ang dalaga kahit sandali. Kaya pala nandito sina Danny at Paulin dahil nandito rin pala si Blaire. But, what was she doing here? She's invited? There's something wrong! Ayaw niyang isipi

