LUMIPAS ANG ILANG araw, nakakulong lang si Blaire sa kaniyang kuwarto. Dinadalhan na lang siya ni Manang Tina ng pagkain. Kung siya ang tatanungin, mas maayos na rin siguro itong nandito siya. Ayaw rin naman niyang lumabas kasi pakiramdam niya'y wala na siyang pakikitunguhan sa buhay. Sa balkonahe na lang siya nagpapaaraw para naman hindi siya magkasakit. Sa mga araw na nagdaan, walang ibang ginawa si Blaire kundi ang umiyak gabi-gabi kaya ngayon, paga ang mga mata niya. Pero wala siyang paki roon. Gusto na niyang mawala sa mundong ito kaya ginawa niya ang plano niya pero hindi naman natutuloy dahil natatakot siya. Nagdadalawang-isip siya, kumbaga. Ganito pala ang pakiramdam kapag gusto mo nang mawala sa mundong ito. Nag-iisip ka kung itutuloy mo ba o hindi. Pero sa kaso ni Blaire, kailan

