MABILIS NA LUMIPAS ang mga araw, namalayan na lang ni Blaire na sa isang linggo, ikakasal na sila ni Bernard. Nakahanda na ang lahat. Katulad ng gusto niya, pinaboran na rin ng mommy at daddy niya na simple lang ang gusto niyang kasal. Maraming pagbabago sa kasal nilang dalawa. Hindi nga alam ni Blaire kung matatawag bang kasal ang gagawin nila. Pili lang ang mga bisita. Walang ninong at ninang. Tig-isa sila ni Bernard ng bridesmaid at groomsman. Hindi nga yata kasal iyon, kundi kasal-kasalan na minsan nang nilalaro ng mga bata. But for Blaire, it's fine dahil noon pa man, hindi na sagrado ang tingin niya sa kasal nila ni Bernard. Parang naglalaro lang sila. Mas mabuti na rin siguro iyon tutal at wala siyang paki sa mga mangyayari. "Next week na ang kasal niyo ni Bernard, may masasabi ka

