MALUNGKOT NA NAKATANAW si Blaire sa kalangitan na pinagniningning ng libo-libong mga bituin. Ilang oras na siyang wala sa sarili. Ni hindi na niya nagawang kumain ng lunch at dinner. Sa tingin niya kasi kapag kakain siya, maisusuka lang niya iyon. Ayaw pa naman din niyang magkalat lalo na't ganito ang sitwasyon. Nang makarating sila rito kanina, she tried to call her mother, but she didn't answer. Lagpas sampu yata ang ginawa niyang pagtawag dito pero wala talaga. Tapos kanina lang, tinawagan niya ulit ito at katulad kanina, ganoon ulit, hindi siya sinasagot. Pinanghinaan na ng loob si Blaire. Ilang oras nang nasa utak niya ang dad niya. Okay lang ba ito? Buhay pa ba ito? Ama niya pa rin ito kaya nag-aalala siya rito nang lubusan. Ayaw naman niyang umuwi sa kanila dahil baka ikulong siya.

