MATAPOS MANATILI NANG halos tatlong araw sa Wild Island, umalis na rin sina Blaire at Sergio. Ngayon ay nasa yate na silang dalawa. Si Blaire ay nakatanaw sa malawak na karagatan habang pinapakinggan ang paghampas ng mga alon sa yate. "Tahimik ka yata, mi prometida." Napalingon siya sa pinanggagalingan ng boses at mula sa tabi niya, nakita niya si Sergio. Sumandal ito sa railings at patagilid na bumaling sa kaniya. Ang guwapo ngayon ni Sergio. Nakasuot ito ng shades. Isama pa ang simple nitong suot. Bumagay dito ang suot na short at pinaresan iyon ng sando. She can't control herself to look at him. Pero sunod-sunod siyang umiling saka ibinalik ang tingin sa karagatan. "Masaya lang ako, Sergio..." panimula niya. "Hindi ko lang inakala na aabot tayo sa puntong ito. We're loving each other

