NAKANGITING IMINULAT NI Blaire ang mga mata nang magising siya. Kulay puting kisame ang agad na bumungad sa kaniya. Sandali siyang umunat at umupo sa kama. She's happy now because she dreamed something. Napanaginipan niyang nanganak na siya at ikinasal na sila ng 'mi todo' niya. She can't believe na sa lahat ng nangyari sa kanila, nagawa pa rin nilang magsama bilang magkarelasyon. And Blaire can't help but touch her chest when she felt something from inside. Her heart is beating without any reason. Maybe she was just palpitating. Mayamaya pa ay saktong pababa na siya sa kama nang marinig niyang bumukas ang pinto. Agad siyang napatingin doon at nakita niya si Sergio na papalapit sa kaniya. Parehas na may mga ngiti sa mga labi nila ng mga sandaling iyon. "Kumusta ang tulog mo, mi novia?" S

