CHAPTER 81

1790 Words

"HER, ARE YOU okay?" Naibaling na lang ni Blaire ang ulo nang marinig iyon. Nakita niya si Sergio na kakalabas lang ng banyo habang nakatapis ng tuwalya ang kalahati nitong katawan. Basa pa ang buhok nito kaya tumutulo ang tubig mula roon paibaba sa maskulado nitong katawan. Sa may tuwalya, nakabakat doon ang ari niyang alam niyang tulog. Kahit tulog ang ahas ni Sergio, malaki pa rin iyon. Dahan-dahan siyang umupo sa kinahihigaan. Kinuha niya ang kumot sa paanan at inangat hanggang sa leeg niya. Marahas siyang nagpakawala ng hangin sa bibig saka wala sa sariling tumingin sa nakabukas na bintana. "I'm not okay," mahinahon niyang sagot. Nang magising siya kanina, masama ang pakiramdam niya. Masakit ang ulo niya at maski ang ibaba niya, masakit din. Hindi lang iyan dahil mainit din siya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD