MARRYING BERNARD IS not a good choice. Iyan ang pauulit-ulit na iniisip ni Blaire nitong mga nagdaang araw. Her parents aren't stupid, so why they want her to marry that jerk? She wants to marry the man she loves, not the man they wanted to. Pero wala nang magagawa si Blaire. Desisyon iyon ng mommy at daddy niya at hindi na siya maaring makahindi. Kahit alam niyang hindi magiging maganda ang buhay niya kay Bernard, papakasalan pa rin niya ito. Nasa bintana na naman si Blaire at nakadungaw. Sa mga nagdaang araw, walang araw ang hindi siya pumupunta rito sa bintana dahil pakiramdam niya'y wala nang patutunguhan ang buhay niya. It seems like she was controlled kahit hindi naman. Pinapayagan naman siyang lumabas pero mas minabuti na lang niyang manatili rito sa loob ng kaniyang kuwarto. Hindi