PARANG WALA SA huwisyong nakatingin si Blaire sa maliwanag na kalangitan. Hanggang ngayon ay nasa utak pa rin niya ang ginawa ni Gabriel sa kaniya kagabi. Nanatili nang ilang minuto ang pagkakayakap nito sa kaniya bago niya na-realize na mali iyon. She pushed him away and went inside. Why did she let Gabriel hug nor touch her? Tapos iyong pag-ihip pa nito sa kaniya para mainitan niya, until now, parang dama pa rin niya ang mainit na hangin mula sa bibig nito. Oo, aaminin niya, kinilig siya sa ginawa nito pero hanggang doon lang iyon. Ni hindi niya nagawang makatulog nang maayos dahil doon. "Bakla, tulala ka na naman diyan?" Bigla na lang siyang natigilan nang marinig iyon. Nakita niya si Danny sa harap niya— nakakunot ang noo habang nakatingin sa kaniya. Umiling siya at napalunok kapagku