NAKAUPO SI BLAIRE sa kama habang tinitingnan ang kamay. Sa isang daliri niya, nakasuot doon ang singsing na noon ay ibinigay ni Sergio sa kaniya. He proposed to her again lately and she said yes again. Wala namang masama sa naging desisyon niya. Mahal niya pa rin si Sergio kaya tinanggap niya muli ito. Wala siyang pinagsisisihan. Tuloy na ang kasal nila pero wala pang petsa dahil mas gusto nilang ikasal na maayos ang lahat. Iyong walang nang nanggugulo sa kanila katulad ni Ashanti. Sunod-sunod na napailing si Blaire saka tumayo sa kinauupuan at naglakad palapit sa nakasaradong pinto ng balkonahe. She opened it and the fresh air hugged her. Napangiti siya nang malapad at naglakad patungo sa balkonahe. Sumandal siya sa railing saka tumingin sa kulay asul na kalangitan. Ang ganda ng panahon

