HALOS TATLONG ARAW pang nanatili si Blaire para magpahinga. In-xray nila ang likod niya and thankfully, walang nakitang fractured na buto. Kung meron man, baka magtatagal pa siya rito sa ospital. Maayos na naman ang pakiramdam niya at hindi na masakit ang likod niya. As what her doctor said, she needs to rest na siyang ginawa niya. Ngunit sadyang hindi mawala sa utak niya ang nangyari noong gabing iyon. Paulit-ulit niya itong tinatanong sa sarili niya. Sino kaya ang mga taong bumaba sa van? Natatakot siya na hindi niya mawari. Pakiramdam niya'y nasa kapahamakan siya bawat segundo kaya dapat lagi siyang mag-ingat. Pero may isa lang ang gagawa nito at iyon ay walang iba kundi si Ashanti. That woman, obsessed na obsessed pa rin talaga kay Sergio. Bakit hindi ba ito maghanap na lang ng ibang l

