MULA SA MGA mata ni Sergio, tumulo roon ang mga luha. Kinuha nito ang mga kamay ni Blaire pero mabilis nitong naagaw iyon. Sino ito para hawakan siya? Sobra na ito! Sobrang-sobra na siya! "I'm so sorry, Blaire..." paumanhin nito. "Sorry? Hindi iyan ang gusto kong marinig, Sergio. Ang gusto ko, umamin ka sa akin. Bakit mo pinuntahan si Ashanti? Ano ang rason mo? Hindi ba't nangako ka sa akin na hindi ka na magloloko? Nasaan na iyon, Sergio? I think mas tama si daddy, mas tama siya na sana'y hindi na ako nakipagbalikan sa iyo!" madiin niyang sabi saka tumayo. Pero mabilis na nahawakan ni Sergio ang mga kamay niya at hindi nito iyon binitiwan, imbes, hinawakan pa nito nang madiin. "Hindi ako nagloko, Blaire. Gagawin ko ang pangako ko. Hindi ko kakainin iyon dahil mahal na mahal kita. Pleas

