"HINDI NA YATA talaga ako tanggap ng daddy mo," halos pabulong na wika ni Sergio. Napalingon si Blaire sa binata. Nasa tabi niya ito, nakaupo habang hawak ang isa niyang kamay. Dalawa na lang sila sa loob ng kuwarto dahil umalis ang daddy niya dahil sa galit sa nalaman na maayos na muli sila ni Sergio. Sumunod naman ang mommy niya sa asawa nito na walang galit. Alam niyang suportado siya ng mommy niya. Nang sabihin niyang maayos na ulit sila ni Sergio, hindi man lang ito nag-react. Syempre, kasalungat nito ang daddy niya. Sinuntok muli nito si Sergio. Marahas na nagpakawala ng hangin sa bibig si Blaire saka ngumiti. "Matatanggap ka rin ng daddy ko. I told you, this is not the right time. Pero huli na, nalaman na niya," aniya sa mababang tono. "Blaire, gusto ko magtanong. Ayos lang ba sa

