"MANANG TINA, A-ANO pong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ni Blaire sa matanda nang makalapit ito sa kaniya. "Kasi gusto kitang makasama. Huwag kang mag-alala, alam naman ng daddy at mommy mo na nandito ako. Pinayagan nila ako para may makatuwang ka at para na rin mapagsilbihan kita," nangingiti nitong sagot. "Po? Manang Tina, hindi ka na dapat pumunta rito dahil kaya ko pa naman pong kumilos, e. At isa pa, Sergio's here." "Buntis ka, Blaire at iniisip lang kita. Hayaan mo na ako rito, parang ayaw mo naman akong kasama ri—" "Manang Tina, don't think that. Simula't sapol, ikaw na ang naging yaya ko kaya masaya ako na nandito po kayo. Ang akin lang po, how about mommy and daddy? Sino na po ang magsisilbi sa kanila?" "Nag-hire sila ng bagong kasambahay," sagot nito. "Ganoon po ba?

