Matapos ang naganap na proposal at pre-nup ay inasikaso na nila Isagani at Laila ang kanilang kasal. Napagdesisyunan ng dalawa n a sa Nueva Ecija ganapin ang kanilang pag-iisang dibdib para makadalo ang mga naging kaibigan ni Isagani doon. Sinang-ayunan naman ng mga magulang at mga kapatid ang desisyon ni Isagani. Mabilis ang ginawa nilang preparasyon sa tulong na din ng mga kapatid ni Isagani. Iilan lang ang kinuha nilang Ninong at Ninang kasama na doon si Ka Ester na asawa ni Kumander Balag at si Ka Omeng na isa sa pinakamatagal sa dati nilang samahan. Maging ang hepe ng pulisya ng Bacao, Nueva Ecija ay kasama din sa listahan. "Sana naman tuloy na tuloy na 'to ha." anang si Leslie nang pinasyalan ng dalawa. "Oo ate. Sigurado na 'to di ba Gani?" sagot ni Laila "Wala ng makakapigil a