"Inform ko po kayo agad sir mam if available po yung venue ng reception sa date po na gusto nyo saka para masabihan ko na din po lahat ng suppliers ko." ang wedding coordinator
"Pwede bang pauna na yung photographer and videographer na i schedule mo this week para sa prenup namin and if you could recommend a good or the best make up artist, please inform us asap." si Rigor.
"Love saan ang prenup natin?" tanong ni Laila
"Tanong natin ang coor baka may ma i suggest siya" sagot ni Rigor
"Mam,kapag gusto nyo po eh nature ang dating, merun po sa Bataan, maganda po siya talaga." sagot ng coor.
"O sige gusto ko yun. Ikaw love, okey ba sayo yun?" tanong ni Laila kay Rigor
"Kung ano gusto mo love okey na din sa kin." sagot ni Rigor.
"So kapag na settle mo na lahat, inform mo kaagad ako para mai close na natin ito and we can give our reservation or downpayment, Okey?" si Rigor sa coor
"Okey po sir, mam... and hopefullly ay matuloy na po talaga ang kasal nyo. Ingat po lagi mam... kayo din po sir." paalala ng coor
"Oo nga eh. Hehe. For sure tuloy na tuloy na to. Thank you ha." si Rigor sabay paalam sa coor.
"Let's go love." si Rigor
"Bye. Thank you." paalam din ni Laila sa coordinator.
"So what's next?" tanong ni Laila ng pasakay na muli sila ni Rigor sa taxi.
"Tingnan natin yung gawaan ng singsing na nakita ko online, magaganda gawa nila... sa picture ha... tingnan na din natin. Tapos may mga shop din ng mga gowns dun at suit, let's see kung magaganda. Kapag wala kang nagustuhan.. well itutuloy natin bukas paghahanap. Pero plano ko na kasi bukas na puntahan yung mga sponsors natin and let's bring something kahit wala pa tayong invitation. Konti lang naman yun then daanan natin yung mga secondary sponsors." sagot ni Rigor
"Love, simple lang ang gusto ko kaya tiyak na may magugustuhan ako dun. Hindi ko kasi gusto yung mga design na nirerecommend ni coordinator eh. Simple lang talaga, saka para may na aaccomplish tayo sa bawat lakad natin." si Laila
"Okey sige love."
"Daan na pala tayo love sa school muntik ko ng makalimutan." si Laila
"Aw, oo nga pala.. sige.. maaga pa naman." si Rigor
Matapos dumaan sa eskwelahan ay dumiretso na sila Laila at Isagani sa gawaan ng wedding ring. Ilang metro ang layo ay sunod sunod na dress shop ang naroon. Inisa isa nila ang pagtingin sa mga shop hanggang sa may nakausap din sila at nakasundo sa design ng wedding gown ni Laila at sa groom's suit ni Rigor.
Nai book na ang kanilang kasal ayon sa coordinator at okey na ang availability ng venue. Kinausap na nila ang tatlong pairs na magiging ninong at ninang nila sa kasal. Dahil may dala na silang sariling sasakyan na nirentahan ni Rigor ay madali na nilang mapuntahan ang mga gusto nila at dapat nilang asikasuhin.
"Love napansin ko wala ka yatang kinuhang relative mo sa mga bridesmaids mo.." tanong ni Rigor habang nagda drive ito papunta sa huli nilang pupuntahan na groomsmen niya.
"Love, ang lalayo kasi nila. Narinig mo sabi ng coor, since umaga ang kasal natin dapat 5 hours earlier yung mga abay. 5am andoon na para sa same day edit." si Laila
"So what's the problem? Ade i-check in muna natin sila sa hotel." si Rigor
"Love, too much expenses na yun kapag ganun. Saka okey na din yun para isang puntahan na lang sila na magkakasama."
"Ikaw bahala love ha. Nga pala, bukas na yung prenup natin asikasuhin mo na yung sinasabi ng photographer na isusuot mo, ako tingin ko merun naman ako nung sinasabi niya. So bale, the day after tomorrow na natin puntahan si Dindo na bestman ko." sabi ni Rigor.
"Sana maging okey ang lahat love noh. Kinakabahan ako baka hindi maganda kalabasan ng kasal natin sa sobrang rush ng preparation natin." pangamba ni Laila.
"Love, don't worry. Everything will be fine, trust me. Maayos naman lahat ng kausap natin. Wag ka ma istress papangit ka niyan. haha. Right after kasi ng pre nup natin, dire diretso na yan. Makakagawa na sila ng invitation, ng souvenirs etcetera." si Rigor
"Naku love may nalimutan tayo. Sila ate at kuya nga pala ang maghahatid sakin wala pa silang damit, pati mga bata na bearers." pag aalala ni Laila
"Naku, ganun din nga pala si Nanay. Saka si Tito ko na lang maghatid sakin. Love ganito na lang, hingi ka ng dispensa kila ate. Ituro mo yung address ng pinagawaan natin ng damit. Then dun na din sila magpasukat, hindi ko na sila maipagda drive dahil marami na tayong lakad. Bigyan ko na lang ng pang taxi nila ganun na lang din sasabihin ko kila nanay at tito. Buti pinaalala mo, sa secondary wala naman tayong problema sa isusuot nila dahil infinity dress naman yun, fit daw sa kahit anung size yun. Love, bakit nga pala olive green ang napili mong motiff eh hindi mo naman favorite color yun?"
"Maganda kasi. Kulay ng dahon di ba, nature... kaya nagrequest di ba ko ng maraming fresh flowers sa reception. Saka dun sa buffet yung parang may falls, nakakita ka na ba ng ganun love sa pinaka corner ng buffet parang may mga bato tapus may falls buti alam ng coor yung sinasabi ko."
"Naging nature lover bigla ang love ko ha. hahaha. Wait eto na pala tayo."
Matapos makausap nila Laila at Rigor ang huling groomsman na kukunin niya ay dumaan sila ng restaurant hindi lang para kumain, kundi gumawa ng list ng mga dapat pa nilang i provide at mga guestlist na pagbibigyan nila ng invitation. Sa isang first class restaurant gaganapin ang kanilang reception at 150 ang maximum capacity ng restaurant. Hindi naman aabutin ng ganun karami ang kanilang bisita dahil alam ni Laila na hindi naman makakapunta lahat ng kamag anak niya dahil sa layo ng mga ito.
Kinabukasan ay dinaanan agad nila Laila at Rigor ang photo/videographer pati ang dalawang make up artist sa lugar na kanilang napagkasunduan. Tama ang desisyon ni Rigor na van ang rentahin niya kasama ang driver nito, dahil na din sa gamit na mga dala nito. Maraming bitbit ang make up artist at mas lalo ang photographer.
"Parang wedding na ah." si Rigor pagbibiro sa mga kasama dahil nga sa mga dala nito.
"Ganito po talaga kami sir kahit prenup pa lang dapat bonggacious na." sagot ng isang baklang make up artist.
"Korek." sagot pa ng isang kasama nitong bakla din.
"Kayo na bahala samin ha. Pagandahin nyo magiging misis ko." si Rigor
"Naku sir, mukha nga pong effortless kami at ang pogi nyo na po at maganda na si mam kahit wala pang make up. Binubulong nga sakin kanina ng baklitang to na para ka daw si Jericho Rosales at si Mam naman parang si Ryza Zenon."
"Hahahaha. Narinig ko na naman yang jericho rosales na yan. haha."
"O di va sir may iba na ding nagsabi pala sayo nyan na kamukha mo si jericho."
Nangingiti lang si Laila sa mga naririnig. Naalala niya tuloy bigla si Isagani... na unang nagsabi sa kanya na kamukha daw niya si Ryza Zenon.
"Love tahimik mo dyan. Nakangiti ka pa.. ano bang iniisip mo?" bati ni Rigor kay Laila
"Ha? Love nakikinig ako... natatawa ko... mga echusera tong mga make up artist natin eh." pagbibiro ni Laila
"Naku mam, True po yun, di ba mga kuya?" sagot ng isang bakla at kinuha pa ang atensyon ng dalawang photo at videographer.
"Oo nga eh.napansin nyo din pala." sagot naman nito.
"O diba mam.. sir, naniniwala na kayo ha.." sabi ng isang bakla.
"Hahaha. Naku love bigyan mo na kaya agad ng bonus mga yan." si laila
"Ayan, bet namin yan mam. Hahaha." tawanan ng mga kasama nila Laila at Rigor.
Hindi naging kainip inip ang naging biyahe nila papuntang Bataan dahil na rin sa mga kwentuhan at dahil din sa pagpapatawa ng dalawang make up artist. Kabisado ng mga photographer ang dadaanan kaya't hindi sila nag aalala na maliligaw o maantala ang kanilang prenup session.
Ilang sandali pa ay sinabihan na sila ng isang photographer na bababa na sila ng sasakyan.
"Medyo mahaba lang pong lakaran mga sir mam. para makarating po tayo dun sa venue." sabi nito.
"Love kaya mo ba?" tanong ni Rigor kay Laila.
"Kayang kaya love... sisiw na sisiw saken yan." sagot ni Laila na ngingit ngiti.
"Galing ah. Sige tingnan natin. Ah guys, kaya nyo ba yang mga dala nyo gusto nyo tulungan namin kayo?" alok ni Rigor
"Ay wit na po sir." sagot ng isang bakla
"Anong wit?"
"Ay wag na po sir. Kayang kaya na po namin to. Dati po kaming kargador bago kami naging make up artist." dugtong nito.
Tawanan na naman ang lahat sa pagbibiro ng make up artist.
Tatlumpung minuto ang kanilang nilakad bago nila marating ang sinasabing pagshoo-shootingan nila.
Ilang hakbang pa ay natanaw na nila ang mala paraisong lugar na yun. Wala masyadong tao dahil weekdays nun. Hindi na kinakitaan ng pagkamangha ang mga kasama nila Laila at Rigor dahil maaarimg madalas na silang mapunta duon.
Napahinto bigla si Laila ng makita ang magandang tanawin. Gusto niyang maiyak ng makita ang talon. Mas mataas nga lamang ito kumpara sa talon dun sa pinanggalingan niyang kabundukan. Ang mga batang nagsisipaligo ang tingin niya ay mga estudyante niya na kinakawayan siya at niyayayang maligo. Nagbalik alaala sa kanya ang tanawin sa kabundukan. Napaluha siya bigla.
"Oh love, bakit huminto ka? Pagod ka na ba? Umiiyak ka ba love?" napansin pala yun ni Rigor.
"H-hindi love... hindi ako napapagod.. napuwing lang ako... pero parang nawawala na. Nagandahan lang ako love sa view. Kunan mo nga agad ng picture dito sa kinatatayuan natin. Wala pa kong cellphone eh." sagot ni Laila.
Pagkakuha ng picture ng view ay nagselfie muna ang buong grupo bago tuluyang lumapit sa batisan na nagmumula sa talon ang tubig.
"Mga sis, mga kuya, yung driver iniwan natin. Alam ba niya papunta dito.?" tanong ni Laila sa mga kasama na sinagot naman ni Rigor.
"Oo love. Nakapag service na din daw minsan dito yung driver natin. Tara na."
Nag meryenda muna ang grupo bago sila nagsimula. Pagkaayos ng mga gamit ay nagsimula ng make upan sila Laila at Rigor sa isang cottage nipa hut na nirentahan nila. Kasalukuyan namang inaayos ng mga photographer ang kanilang mga gamit at kumukuha na ng mga sample kung saan maganda ang view.
Ibat ibang posing ang pinapagawa sa kanila ng mga photographers. May mga video pa na animo ay nasa pelikula sila. Nag rereshoot sila kapag natatawa sila sa mga eksenang pinapagawa sa kanila.
"Oh sir, ganito po hubad po kayo
then iwan nyo lang po ung white pants nyo. Lusong po kayo sir hanggang half body po ha... then kayo mam dito po kayo sa isang malaking bato. Kunwari tinitingnan nyo po si sir so ulo lang po ang nakalabas sa inyo. Naka cover po sa bato ung katawan nyo. Sir kayo naman nakatalikod kay mam then sisid po kayo pag labas nyo tingala then hawi po ng buhok paitaas... naintindihan po ba sir mam?" instruction ng videographer.
"O pre, dun ka sa kabila para isang anggulo ha. Ready na po ba mam... sir?" dugtong ng videographer
Pumuwesto na si Laila sa sinabi sa kanya. Nakasuot siya ng isang white flowy dress na nililipad ng hangin ang tela... inilugay lang ang buhok niya at kinulot ang mga dulo nito.
"Okey ready... aaaand... action." sigaw ng videographer
Biglang sumisid si Rigor sa tubig. Sa kanyang paglitaw ay unti unting dumungaw si Laila sa batong pinagkukublihan. Basang basa ang buong katawan ni Rigor at hinagod ng mga daliri nito ang kanyang buhok paitaas.
Natulala bigla si Laila. Napabulong siya bigla ng "Isagani". Hindi niya namalayan na tumulo na pala ang luha niya.
Humarap bigla sa kanya si Rigor at lalo niyang ikinagulat na si Isagani nga ang nakikita niya. Nakangiti ito sa kanya at unti unting lumalapit sa kanya. Hindi niya maipaliwanag pero napakasaya niya habang papalapit si Isagani. Nang nasa harapan na niya ito ay bigla nitong tinapik ang kanyang braso... at inulit pa nito ang pagtapik.
"Aaaannd cut." biglang narinig ni Laila
"Love... love." si Rigor habang tinatapik sa braso si Laila.
"Ui love cut na daw. Natulala ka na."
"Hah? Ah... hindi hinintay ko lang yung pagsigaw nung videographer."
"Anong hinihintay? Kanina pa kaya cut. Nakaahon na nga ako nakatulala ka pa din diyan."
"Galing... nice shot po... galing ni mam... very realistic po. Pede ng artista si mam." sigaw ng videographer
"Pwede ba break muna tayo?" si Rigor
"Guys, break muna tayo. Kain muna tayo alam ko pagod na tayong lahat. Matagal pa ba mga brad?" tanung ni Rigor sa mga kumukuha
"Konti na lang po sir. So far, maganda po lahat ng shoots po natin pati po yung mga aerial shot." sabi ng isa.
"Ah talaga, sige nakakawala naman ng pagod yung sinabi mo. Tara kain na muna tayo, mga sis tara." yaya din ni Rigor sa mga taga make up na mukhang nagugutom na din.
Matapos kumain at magpahinga ay ipinagpatuloy nila ang shooting. Hinintay na lang nila ang takip silim para sa huling shot. Matapos nun ay nagligpit na sila upang gumayak sa pag uwe. Pagod ang lahat. Hindi pa masyadong nakakalayo ay nakatulog ang lahat sa sasakyan maliban sa driver at kay Laila. Nakatanaw siya sa mga dinadaanan nila. Ang mga bundok na nakikita niya sa malayo ay nag paalala na naman sa kanya ng nakaraan. Pati si Isagani ay akala niya ay nakita niya kanina. Maraming bagay na kapag nakikita niya ay nag papaalala sa kanya sa naging buhay niya sa kabundukan kaya mahihirapan siyang makalimot. Dahil na rin sa pagod ay nakatulog na rin si Laila at nagising na lang siya ng ginising siya ni Rigor at sinabi nito na malapit na sila sa kanila sa bahay ng ate niya.
Kinabukasan ay maaga na namang sinundo ni Rigor si Laila gamit ang nirentahan nitong kotse upang puntahan naman ai Dindo na kukunin niyang bestman. Natawagan na niya ito at sinabing wag itong aalis dahil pupunta sila ni Laila.
"Love, laki na ng nagagastos mo sa pagrerenta ng sasakyan ah." si Laila habang lulan na ng kotse at akmang paandarin na ni Rigor ito.
"Okey lang love. Tutal nabanggit mo na lang din yan, plano ko na din love kumuha ng kotse after ng kasal natin para naman mas mukha akong presentable sa mga kliyente ko. Saka para ihahatid kita lagi at dadaanan sa school mo." sagot ni Rigor.
"Love, magkakasabay sabay ang bayarin mo. May bahay pa na huhulugan baka ma short tayo sa budget " pag aalala ni Laila.
"Love, ten years to pay naman yung bahay natin. Parang rent to own na din kasi yun kaya pag nagkatulungan tayo madali na sa atin yun. Yung kotse naman, may pang downpayment na ko. Nung nawala ka kasi nagkaroon ako ng mga big time na client kaya itinabi ko na agad sa bangko para nga sa downpayment ng sasakyan. Unahin ko muna itong kasal natin love. Wag ka mag alala love kakayanin natin to." si Rigor
"Ikaw lang inaalala ko love ha."
"Gusto mo ba kumain muna love?" tanong ni Rigor
"Hindi, busog pa ko love. Nag luto ng breakfast si ate kanina kaya kumain na din ako." sagot ni Laila
Iniisip na Rigor na sana ay naniniwala lahat si Laila sa mga sinasabi niya upang hindi nito pagdudahan ang mga perang ginagastos niya. Pinangakuan pa siya ni Mrs.Alegre na susuportahan siya kaya hindi magiging problema sa kanya ang pera. Kamusta na kaya ang matandang yun sa loob loob ni Rigor. Hindi man lang tumatawag o nag me message pa sa kanya. Naisipan niya na siya na unang kakamusta dito para matuwa ito at isipin na inaalala din siya ni Rigor.
Narating din nila ang apartment na tinutuluyan ni Dindo.
"O pare, kamusta? Pogi natin ngayon ah." bati agad ni Dindo kay Rigor.
"Laila.. kamusta? Ano ba nangyari sayo? Salamat naman at nakabalik ka na. Tinatanong ko tong pare ko kung ano nangyari sayo wala namang maikwento basta daw ang mahalaga eh andito ka na." si Dindo pa din
"Yun ang sabi niya eh." si Rigor ang sumagot.
"Tama si Rigor, Dindo. Mahaba kasing kwento, okey sige bigyan ko na lang kayo ng konting konting kwento."si Laila
"Wait bago ka magkwento maglabas lang ako ng maiinum. Pre anu gusto mo brandy o whisky." si Dindo
"Bugok. Ke aga aga eh." si Rigor.
"Hahaha, joke lang. Wait lang ha."
"Sige lang." sagot ni Laila.
"O tapos." si Dindo habang bitbit ang bote ng softdrinks pabalik sa sala na kinauupuan nila Rigor at Laila.
"Ayun, kinidnap nga ako. Malayo ang pinagdalhan saken. Hindi ko alam kung anong lugar yun pero hindi naman nila ko sinaktan o kung anu pa man. Maganda naman pakikitungo nila saken." kwento ni Laila
"Ganun lang? Ano ba namang kwento yan napakabitin naman." si Dindo
"Oo nga pare eh. Ganyan lang din kwento saken buti nga sayo may nadagdag. Kahit anong pilit ko ayaw mag kwento. Naglilihim na yata saken ang love ko." si Rigor
"Asus, eto naman. Basta... ang mahalaga nga tapos na yun eto na naman ako oh." si Laila
Kasalukuyan silang nagkekwentuhan ng biglang may dumating na bisita at dire diretso itong pumasok ng bahay.
"Keisha?" bati ng napatayong bigla na si Dindo.
"Oh my God buti na lang dumiretso ko. Tumatawag ako hindi mo sinasagot kaya dumiretso na ko dito at nagbakasali nga na andito ka... at buti na lang." sagot ni Keisha
Napatingin lang si Laila sa dumating na bisita. Nagtatanong ang isip niya kung sino ang bisitang dumating, na napansin niya agad na may edad na ito pero mapostura pa din. Hindi naman napansin ni Laila na nakayuko si Rigor at hawak ang phone nito na kunwari ay may tinitingnan sa phone.
"Naiwan ko sa kwarto ko yung phone saka may mga bisita kasi kong dumating." sagot ni Dindo.
Napatingin naman bigla si Keisha sa mga sinasabing bisita ni Dindo.
"Wait, kilala ko to ah. Rigor? Rigor Ramirez?" bati ni Keisha
Nag aalangan man ay pinakilala na ni Dindo ang mga bisita..
"Ah oo. Si Rigor remember. Saka si Laila."
Dahil pinakilala na ay tumingin na si Rigor kay Keisha.
"Oh Rigor, kamusta na? Kelan ka pa dumating? How was your vacation abroad with my amiga Ancis? Nakaalis na siya ulit di ba?" tanong ni Keisha kay Rigor.
Medyo nataranta si Rigor sa mga tanong ni Keisha lalo na ng napatingin siya kay Laila na nakatingin sa kanya na may pagtatanong sa mukha nito.
"Ah yes. Keisha, eto okey naman. Last week pa ko nakauwe. By the way, fiancee ko nga pala." inulit ni Rigor ang pagpapakilala kay Laila para hindi na magsalita ng kung anu pa man si Keisha tungkol sa kanila ni Mrs. Alegre.
Napansin ni Laila na parang inuri pa siyang mabuti ng babaeng dumating dahil nakita niyang tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa.
"Ah, well... maganda siya ha. Hello iha." bati ni Keisha kay Laila
"Hello po." sagot ni Laila.
"Love, sino si Ancis?" baling ni Laila kay Rigor
"Hindi ba niya kilala Rigor si Ancis?" tanong agad ni Keisha at sinapo agad ng sagot yun ni Rigor
"Boss ko yun love. Yun yung kasama ko sa seminar."
"Seminar?" singit na tanong ni Keisha.
Napansin ni Dindo ang pagiging taklesa ni Keisha kaya't gumawa siya ng paraan para mabago usapan.
"Keisha ano nga pala atin at napasyal ka?" tanong agad ni Dindo
"Dindo dear may invitation ako mamaya. As usual i need a partner that is why i loooked up for you. Kaso nga tagal mong sumagot."
Iniba man ang usapan ay napansin yun ni Laila. At sa nakita niyang hindi mapalagay na kilos ng boyfriend, alam niyang may inililihim ito sa kanya... at alam yun ni Dindo. Napansin din ni Laila ang pagiging sobrang lambing ng Keisha kay Dindo. Sino kaya ito sa buhay ni Dindo?
"Ah sige basta ikaw Keisha. So paano magkikita na lang tayo or dadaanan mo ko?" tanong ni Dindo kay Keisha
"Padaanan na lang kita maya sa driver ko ha. O sige paano mauna na ko. Yun lang naman ang sadya ko. So... Bye Rigor... bye iha." paalam ni Keisha.
"Ah. uy inom kayo softdrinks oh." bati ni Dindo pagkalabas ni Keisha.
Umabot agad ng baso ng softdrinks si Rigor dahil pakiramdam niya ay may nakabara sa kanyang lalamunan.
Nanatili lang tahimik si Laila. Tintingnan pa din niya ang kilos ng dalawang lalaki at napansin niyang hindi kayang salubungin ng mga ito ang tingin niya..
.