Chapter- 3

2447 Words
Mula nang mamatay ang mommy ni Yzabell, namuhay na siya nang mag-isa. Inalok siya ng mga Montemayor na magtrabaho sa kanilang kumpanya bilang executive secretary. Kaso lang, ayaw sa kanya ng anak ng mga ito. Kaibigan ng ina nito ang kanyang mommy, kaya sa halip na tuluyang tanggalin ay inilipat na lang siya sa ibang department. Nang malaman ng ama at ina ng kanyang boss na nasa ibang department siya, ibinalik siya ng mga ito at ginawa siyang CEO. Kaso lang, sunod-sunod ang mga kapalpakan na nangyari sa hindi malamang dahilan. Ang masama, sa department pa niya mismo nangyari ang mga iyon. May duda siyang isa sa mga tauhan doon ang sadyang sumisira sa kanyang pangalan, kaya lalong nagalit sa kanya ang boss niya at mula noon ay pinag-initan na siya nito. Isa sa mga dahilan kung bakit siya bumalik ng Pilipinas ay upang linisin ang kanyang pangalan. Gagawin niya iyon nang palihim upang hindi na niya kailangang bumalik at magtrabaho sa loob ng kumpanya ng mga Montemayor. Isa sa mga natutunan niya sa tatlong taong training ay kung paano makapasok nang palihim sa isang lugar, kabilang na ang mga matataas na building at executive room. Natuto rin siyang kumuha ng sensitibong data nang hindi nalalaman ng sinumang nasa loob ng kumpanya. Umupa siya ng isang apartment na hindi kalayuan sa kumpanya ng mga Montemayor. Simple lamang iyon, ngunit inayos niya ayon sa lahat ng kanyang pangangailangan. Isang araw, namili rin siya ng mga damit na angkop sa isang executive. Mag-a-apply kasi siya bilang abogado, at bilang isang mahusay na lawyer, kailangan niyang laging maging handa. Inayos na rin niya ang lahat ng dokumentong kakailanganin niya. Ilang buwan din ang ginugol niya para sa paghahanda. Nang makumpleto ang lahat ng papeles, nag-research siya tungkol sa malalaking law firm na maaari niyang pasukan. Pansamantala lamang siyang magtatrabaho roon hanggang makapagpatayo siya ng sarili niyang firm. Kailangan muna niyang magkaroon ng sapat na kapital para sa kanyang plano. Isang law firm sa Makati ang tumanggap sa kanya at malaki rin ang naging offer. Hindi na siya nagdalawang-isip at agad na tinanggap ang trabaho. Sa susunod na Lunes ang simula niya bilang isang lawyer. Ilang empleyado ang nahuhuli niyang nagtataas ng kilay tuwing pumapasok siya sa umaga. Marahil ay hindi sila makapaniwala na isang batang babae na kagaya niya ang inalok ng firm ng ganoon kataas na suweldo. Hindi siya apektado sa mga ganoong bagay, kaya deadma lamang siya at itinuon ang buong atensyon sa kanyang trabaho. Ilang malalaking kumpanya pa ang nag-alok sa kanya ng posisyon kahit employed na siya. “Tingnan natin kung kaya niyang ipanalo ang kaso ng isang sikat na businessman. Pinaghihinalaang kasama raw iyon sa isang sindikato. Ang balita, lahat ay natatapalan daw nito ng salapi, pati mga abogadong lumalaban sa kanya.” Napapailing na lamang si Ma. YL sa mga usap-usapan sa buong opisina. Isang may-edad na babaeng may dalang makapal na folder ang lumapit sa kanya at iniabot ang hawak nito. “Here, Ms. Lupez. Iyan ang mga ebidensiyang hawak ng client natin. Bahala ka na diyan, at sana maipanalo mo iyan para hindi masayang ang malaking suweldo na ibinibigay sa iyo ng kumpanya.” Hindi na niya pinansin ang mga ganoong parunggit ng kanyang mga kasamahan. Matapos ang maghapong trabaho, dinala niya ang ilang folder sa bahay upang pag-aralan nang mabuti. Ilang gabi rin niyang paulit-ulit na binasa ang mga dokumentong hawak niya na maaaring maging susi sa pagkapanalo ng kanilang client. Hanggang sa dumating ang araw na kailangan na niyang humarap sa korte. Simpleng white suit na may baby-pink inner ang suot ni Attorney Yza. Gamit ang company car, nag-park siya sa harapan ng korte. Agad niyang iniabot ang susi sa parking staff bago malalaki ang hakbang na umakyat sa gusali. Nasa entrance na siya nang makasalubong niya ang nasa mid-forties na si Attorney Lath Montemayor, ang sikat na lawyer. Sa pagkakaalam niya, uncle ito ni Charles, ang dati niyang boss. Tama ang mga narinig niyang kuwento tungkol dito. Kahit sa tindig at presensya pa lamang nito ay nakaka-intimidate na. Masyado itong gwapo at kahit medyo may edad na ay hunk pa rin. Hindi rin lingid sa kanya ang balitang minsan itong nasiraan ng career ngunit nakabangon at lalo pang sumikat. Malapit na siya sa courtroom nang tawagin siya ng isang lalaki. “Attorney Ma. YL, maaari ka bang imbitahang magkape muna? May mahalaga lang tayong pag-uusapan.” “I’m sorry, but I’m busy,” magalang niyang sagot bago nagpaalam. Ngunit bago pa siya makalakad ay muli itong nagsalita. “Ang lakas ng loob mong banggain ang boss ko. Tingnan lang natin kung hanggang saan mo kakayanin.” Tinaasan lamang niya ito ng kilay bago tuluyang pumasok sa courtroom. Maugong ang mga bulungan nang makita siya. Ilang lalaki ang napapatingin sa kanya, at sa klase ng mga titig ng mga ito ay para bang gusto na siyang hubaran. Nagsitayuan ang lahat nang ipahayag na magsisimula na ang hearing. Sa bawat tanong niya sa kabilang panig ay halos mapatayo sa inis ang mga ito. Napakataas ng kumpiyansa niya sa bawat tanong at banat, kaya hindi maiwasang uminit ang ulo ng kalaban at maging ang hukom dahil sa sunod-sunod na bulungan sa loob ng courtroom. Sa mahabang oras ng paglilitis, ilang beses humingi ng break ang kabilang panig hanggang sa dumating ang oras ng uwian. “Thanks, Attorney,” wika ng kanyang client. “Walang anuman. Basta sundin mo lang ang mga sinasabi ko sa iyo at sisiguraduhin kong mananalo tayo.” Matapos ang maikling usapan ay nagpaalam na siya. Inaasahan na niyang may posibleng magtangkang pigilan siya dahil sa kasong hawak niya. Kaya naman handa siya sa anumang maaaring mangyari, lalo na at mag-isa lamang siya. Nasa highway na siya nang mapansin niya ang isang Ducati na nakasunod sa kanyang sasakyan. Sinubukan niyang mag-menor upang paunahin ito. Ngunit sa halip na mauna ay bigla itong lumipat ng direksiyon sa gitna ng daan. Agad siyang nagpatuloy sa pagmamaneho dahil baka bigla siyang barilin nito. Paliko na siya patungo sa kanyang apartment nang harangan siya nito. Tumigil siya at naghintay sa susunod na gagawin ng lalaki. Matalas ang kanyang paningin at agad niyang napansin na may dalang armas ang lalaki. Sigurado siyang nasa loob iyon ng jacket nito. Pasimple niyang dinukot ang katamtamang laki ng double-blade knife na dala niya bago mabilis na bumaba ng kotse. Mabilis ding kumilos ang lalaki at agad na binunot ang baril nito. Ngunit naunahan niya ito. Sa isang iglap, tumilapon ang baril mula sa kamay ng lalaki. Habang namimilipit ito sa sakit matapos bumaon ang kutsilyo niya sa kamay nito, isang malakas na sipa ang pinakawalan niya sa panga nito, dahilan upang mawalan ito ng balanse. Isa pang sipa ang sumunod at tuluyan itong bumagsak sa semento. Agad niya itong nilapitan at pinilipit ang mga braso nito patungo sa likod. Hinubad niya ang scarf na nakatali sa kanyang leeg at ginamit iyon upang itali ang magkabilang kamay nito. Sinigurado niyang hindi ito makakawala. Dinayal niya ang 119 at hindi nagtagal ay dumating ang mga pulis kasama ang isang ambulance. Ipinakita niya ang kanyang ID at nagbigay ng maikling pahayag bago magalang na nagpaalam. Ngunit hindi nakaligtas sa atensyon ng media na kasama ng mga pulis ang dalaga. May ilang tanong silang ibinato sa kanya na agad naman niyang sinagot bago tuluyang sumakay sa kanyang kotse. Kinagabihan, habang kumakain ng dinner, napanood ni Yza sa CNN flash report ang nangyari sa kanya kanina sa kalsada. Napailing na lamang siya dahil alam niyang marami ang makakapanood nito. “Huh?” Hindi nagtagal ay tumunog ang kanyang phone. Ang kanyang client ang nasa kabilang linya. “Wala po kayong dapat ipag-alala. Okay lang po ako. Magkita na lang tayo sa korte,” tugon niya bago ibaba ang tawag. Kinabukasan, naging laman ng tsismisan sa law firm ang nangyari sa kanya. May mga nag-usyoso kung paano niya naipagtanggol ang sarili, ngunit wala siyang sinagot sa kahit anong tanong. Patuloy lamang siyang pumasok sa kanyang maliit na opisina at itinuon ang pansin sa trabaho. Dumating ang boss niya na halatang nag-aalala sa nangyari. “Normal lang po iyan sa mga kagaya ko, kaya huwag kayong mag-alala, boss. Hindi iyan ang makakapigil sa akin para itigil ang hawak kong kaso. I assure you, tatapusin ko ito at ipapanalo ko ang kaso.” Isang CCTV footage ang dumating sa opisina at agad itong pinanood ng kanyang mga kasamahan kasama ang kanilang boss sa isang silid. Gayunman, hindi na siya nanood. Alam naman niyang iyon ang footage ng pangyayaring pagharang sa kanya. Makalipas ang sampung minuto ay naglabasan na mula sa CCTV room ang kanyang mga co-lawyer. Ang iba ay humahanga sa kanyang tapang, samantalang ang iba naman ay inaasar siya at sinasabing sinuwerte lamang siya sa pagkakatalo ng kalaban. Tahimik lamang siya. Hindi siya pumapatol sa ganoong mga salita dahil sayang lamang ang oras niya. Muli niyang itinuon ang pansin sa mga bagong ebidensiyang hawak niya. Ilang beses niya itong binasa at sinuri upang matiyak na sa susunod na hearing ay tuluyan nang matatapos ang kaso. Maaga siyang dumating sa korte kinabukasan dahil gusto niyang makausap sandali ang kanyang client bago magsimula ang hearing. Dinala niya ang may-edad na lalaki sa isang maliit na silid. “Pakibasa ho ito. At pakiusap, kahit ano ang sabihin ng kalaban ay manatiling nakasara ang bibig ninyo hangga’t hindi kayo ang tinatanong. Huling hearing na po ito, sir. And don’t worry, panalo tayo.” Nabuhayan ng loob ang matanda. Ilang minuto pa ay pumasok na sila sa courtroom. Nagsitayuan ang lahat bilang tanda ng pagsisimula ng hearing. Lahat ng itinanong sa kanyang client ay maayos nitong nasagot. Kaya nang siya na ang magtanong sa kabilang panig, halos sumigaw sa sobrang gigil ang kalaban. Matapos ang bawat salitang binitiwan nito, inilabas niya ang CCTV footage. Kuha iyon mula sa kumpanya ng kalaban at malinaw na ipinakita ang ginawang pagse-set up sa kanyang client. Kitang-kita roon na inosente ang kawawang matanda. Matapos ang masusing pagsisiyasat, napatunayang guilty ang kalaban. Abot-abot ang pasasalamat ng may-edad na lalaki sa kanya. Malaki ang ngiti ni Yza nang magpaalam ito bago siya tuluyang umuwi sa kanyang apartment. Hatinggabi na nang maalimpungatan ang dalaga. Maingat siyang naglakad palabas ng kanyang silid nang maramdaman niyang may mga taong nakapasok sa kanyang apartment. Tatlong lalaki ang nakita niya sa dilim. Walang ingay siyang lumapit sa isa sa mga ito. Sa isang mabilis na galaw, bumagsak ang lalaki sa sahig at nawalan ng malay. Agad naman siyang sinugod ng dalawa pang kasama nito. Maliksi siyang kumilos. Kahit matatangkad at malalakas ang mga ito, isa-isa niya silang napabagsak. Hindi niya nais pumatay—wala iyon sa plano niya. Kaya matapos silang mapabagsak ay isa-isa niya silang itinali bago tawagan ang mga pulis. “Please, bahala na ho kayo diyan. Sana mapaamin ninyo sila kung sino ang nasa likod nito. Two times na ang pagtatangka sa buhay ko. Maaaring may mataas na taong tumutulong sa kanila.” “Bukas ng umaga ay iimbitahan namin kayo sa presinto para magbigay ng statement.” “Darating po ako. Salamat.” Matapos matiyak ng mga awtoridad na ligtas na siya, agad ding umalis ang mga ito kasama ang mga nakaposas na kriminal. Bumalik siya sa kanyang silid upang matulog, ngunit hindi na siya dinalaw ng antok. Kaya tuluyan na siyang bumangon at nanood na lamang ng panggabing balita. Maya-maya, isang flash report ang nakakuha ng kanyang atensyon. Naroon sa isang grand ball si Charles Montemayor, ang CEO ng shipping company. Isang sexy na babae ang halos nakayakap sa binata habang pilit na ipinagduduldulan ang dibdib nito. Nakilala niya ang babae. Wala itong iba kundi ang dati niyang kasamahan sa trabaho—isa ring empleyado ng kanyang dating boss. “Walang taste talaga ang lalaking ito. Mahilig pala sa retoke, huh!” Dinampot niya ang remote at inilipat sa ibang channel ang palabas. Mga sikat na businessman naman ang kasalukuyang ini-interview ng TV station. Agad niyang namukhaan ang apat na lalaking magkakamukha. “So, sila pala ang Quadruplets ng mga Montemayor,” aniya. Nakita na niya ang tatlo sa mga ito. Ngunit ang tinawag nilang kuya na si Josh Montemayor ang higit na nakakuha ng kanyang atensyon. Sigurado siyang nakasama niya ito sa training, ngunit nasa unang batch ito. Sigurado rin siyang siya ang lalaking tinaguriang “The Monster Hunter” ng CIA. Parang gusto niyang makilala itong muli dahil sigurado siyang kilala rin siya nito. Kinuha niya ang iba pang detalye tungkol dito na nabanggit sa interview. Pag-aari pala nito ang Special Agent Investigation, ang agency na hindi kalayuan sa kumpanya ni Charles Montemayor. KINABUKASAN—Sa opisina ni Josh… “Boss, may gustong magpa-appointment sa iyo.” Kausap ni Josh sa intercom ang kanyang secretary. “Who?” “Attorney Ma. Yzabelle Lupez,” sagot ng kanyang secretary. “May schedule ba ako this afternoon?” “Wala naman, sir.” “Okay. Tell her to come to my office now.” “Copy, sir.” Siya namang pasok ng kanyang kapatid na si Dark. “Oh, akala ko ba nakauwi ka na? Anong kailangan mo?” “Dito muna ako, Kuya. Sabay na tayong mag-lunch.” “What? Hindi ka pa kumakain? Almost 2 p.m. na, huh? May appointment ako, kaya hindi kita masasamahan.” “Eh, kung gano’n, magpapa-deliver na lang ako ng food dito.” “I said, may appointment ako dito sa office,” aniya. Maya-maya ay muling tumunog ang intercom at agad niya itong dinampot. “Sir, Attorney Ma. Yzabelle Lupez is already here.” “Papasukin mo,” utos ni Josh at muling bumaling sa kanyang kapatid. “Now get out, Dark! Nariyan na ang kausap ko.” Natigil ang usapan nila nang bumungad ang dalaga sa kanilang harapan. “Ikaw?” Agad na nakilala ni Dark ang dalaga. “Oh, magkakilala pala kayo?” “Not really, Kuya,” ani Dark. “Nagkita lang kami sa Italian restaurant sa Europe.” “Have a seat, Attorney,” alok ni Josh sa dalaga. “Josh Montemayor, hindi mo ba ako natatandaan?” usisa ni Yza habang lumalapit sa lalaking tinaguriang ‘The Monster Hunter.’ “Oh, yeah. I remember you. So, how was the training? Nakapasa ka ba?” “Yeah. Second place.” “Wow! Really?” “Congrats. So, saan ka ngayon? Join us.” May inabot si Yza kay Josh na agad naman nitong binasa. “So, you are working in a law firm?” “Yeah.” Good idea. Makakalapit siya sa kumpanya ni Charles nang hindi na siya mahihirapan pa. “Pero malay mo naman at baka maging interesado ako diyan sa inaalok mo,” wika ni Yza saka matamis na ngumiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD