Kinabukasan masakit na masakit ang ulo at buong katawan ni charles. Mabigat ang katawan na pumasok ng banyo at naligo. Napansin niya ang ilang malalaking pasa sa katawan alam niyang gawa ng suntok ni jm iyon pailing iling na lumabas ng banyo. Nagmamadaling nagbihis saka bumaba at tumuloy sa kusina nagugutom siya dahil ilang meals na ang na miss niya sa kaka isip ng mga problema. Nasa kalahatian ng pagkain si charles ng pumasok sa kitchen ang kanyang asawa. "Pwedi bang mag usap tayo charles! hindi niya ito pinansin he hate her. Kaya nagmamadaling tumayo at inisang lagok ang laman ng baso. Agad namang naharangan ni dianna ang daraanan niya. "Get out of my way! "No! matapang na sagot ni dianna dito. "Oh matapang kana ngayon huh! "Ano bang problema mo charles bakit mo ako iniwan s