Eleven

1959 Words
"You mean that?" Amazed na tanong ni Mackie kay Porche. "Alam mo wala nang bawian yan." "Ikaw, seryoso ka ba sa sinabi mo?" Nakangiting balik tanong naman ng dalaga sa kanya. "Mahal kita, kahit gago ka mahal kita. At alam mo yan." Saglit siyang natigilan at bahagyang lumayo kay Mackie. "Pero, papaano si Portia?" "Don't worry about her, baby. Nag usap na kami. Payag na daw siya kahit dalawa kayo— Aw! Aray baby!" Hindi na nagawang ituloy ni Mackie ang pagsasalita dahil bigla niyang sinapak ni Porche. "Siraulo ka talaga!" Naiinis na sabi ng dalaga. "Wala talaga akong makuhang matino galing sayo! Lahat na lang ginagawa mong biro!" Hindi niya napansin na naluluha na siya kung hindi lang inilagay ni Mackie ang daliri nito sa gilid ng pisngi niya saka siya hinila para sa isang mahigpit na yakap. "Gian Porche Abillon, sa tingin mo ba, gugustuhin kong may ibang babaeng makakaagaw ng atensyon ko sayo? You are the best thing that ever happened to me, second best yung s*x. Pero di pa tayo dumadarating sa puntong 'yon, baka magbago pa yung standing." Napasinghap si Porche sa sinabi ng lalaki. Sinubukan niyang umalis sa pagkakayakap nito sa kanya ngunit mas hinigpitan pa 'yon ni Mackie. "Don't ever run away from me again. Mahirap kang hanapin babe. Hindi biro ang hiningi sa akin ng kakambal mo para lang sabihin niya sa akin kung nasaan ka." Biglang tinamaan ng selos ang dalaga sa sinabing iyon ni Mackie. Kahit naman kase sinabi nitong mahal siya ng lalaki, ano nga naman ang lamang niya sa kakambal? "Anong hiningi ni Portia sayo?" Wala sa loob na tanong niya. "Well, pumayag nga si Portia na dalawa kayong—Aw," natigilan si Mackie sa pagsasalita ng bigla siyang sapakin ni Porche sa braso. "Aray naman baby! Nakaka-dalawa ka na ha, hindi ko alam gusto mo pala ng brutalan. Huwag kang mag alala, magpapaturo ako kay Tito Toby nung mga teknik kung paano magtali-tali. Gusto mo 'yon?" Napasinghap si Porche na ikinatawa ng malakas ni Mackie. Ahh. Music to Porche's ears. "Tamang-tama, tutal hinihingi naman sa akin ni Portia si Xander e. Atleast isang tanungan na lang." Tuloy-tuloy pa rin ang pagtawa ni Mackie. "Magkapatid nga kayo, same taste." "Mackie isa pa. Tatamaan ka talaga sa akin." Pagbabanta niya. Nagawa siyang bitawan ni Mackie. Inilagay nito ang mga kamay sa magkabilang balikat niya. "Porche, matagal na akong tinamaan sayo." Tinuro pa nito ang puso niya. "Dito. Bulls eye." Napangiti si Porche sa sinabing iyon ni Mackie. Nagkatinginan pa sila ng matagal bago dahan-dahang nagdikit ang mga labi nila. "Hindi pa ba kayo tapos, dok? May next patient ka pa po, pabalikin ko na lang ba after lunch?" Naitulak ng malakas ni Porche si Mackie papalayo ng wala sa oras. Tumikhim pa siya bago hinarap ang nurse na hindi maitago ang ngiti sa nakita. "Ah, eh.. Oo, Five minutes. Tatapusin ko lang si Mr. Guevara." Nahihiyang sabi niya na lang. "Yes, Dok. Kahit tagalan nyo pa, willing to wait naman sila." Kinindatan pa siya nito bago tuluyang isinara ang pinto. Sa sobrang pagka abala niya sa halikan nila ni Mackie, hindi niya na namalayang may kumatok at nagbukas na ng pinto. "Akala ko ba bayad ang buong araw ko?" Naiinis na sabi niya sa lalaki. "Babe, I booked your day. Pero hindi yung nurse na 'yon ang nakausap ko. Baka hindi sila nakapag coordinate ng maayos." Kinintalan siya ng halik ni Mackie sa noo bago ito tuluyang lumayo sa kanya. "Anong oras ang out mo?" "Uhmmm. Depende kung anong oras ako mawawalan ng pasyente. Baka mga past 10 na din, ganun." Pang aasar na sagot ni Porche. "Babe naman.." Parang batang ingos nito. Bakit nga ba hindi nakita ni Porche noon ang side na ito ni Mackie? "Text mo ako kapag out mo na, susunduin kita." "Bakit, anong meron?" Takang tanong niya. Tumingin si Porche sa orasang nakasabit sa gilid. "Before five siguro, pwede na akong mag out." "May pupuntahan tayo." Kalmadong sagot ni Mackie. "We're going out for the first time as a couple, so magde-date tayo." Magsasalita pa sana si Porche ngunit nagawa nang takpan ni Mackie ang bibig niya gamit ang bibig nito. "Don't worry, hindi kita dadalhin sa bahay para ipakilala kila Mommy. They knew you already, they approve our relationship. Pero sa ngayon, gusto muna kitang solohin." ———— 'Paano kumalma, self?' Kanina pa nakaalis ang binata ngunit maya't-maya pa ring nawawala si Porche sa kanyang sarili. Mabuti na lang talaga, wala siyang pansyente na kailangan ng major operation dahil kung hindi, baka nasobrahan na siya ng turok dito ng anestisya. "Si Mackie lang naman 'yon. Para namang hindi mo siya nakasama ng matagal Porche," pangangaral nila sa sarili. Pero oo nga't nakasama niya si Mackie sa iisang bubong, ngayon lang naman sila umamin sa kung anong nararamdaman nila para sa isa't-isa. "Wala lang 'to Porche. Maging normal ka nga." Saway niya pa sa sarili. Ngunit habang papalapit ng papalapit ang oras, ay mas lalo siyang natataranta. She wanted time to move backwards. Parang ipinagdadasal niya nga rin na biglang may last minute patient siya. Habang binabantayan niya ang paggalaw ng orasan ay biglang tumunog ang cellphone niya. Nagtext si Mackie at pinapaalalahanan siyang magkikita sila at hindi na daw ito makapaghintay. 'I'm waiting for you outside.' Sabi pa nito. Pagkatapos ng ilang minuto pang pakikipagdebate sa sarili niya, minabuti na ni Porche na tumayo at ayusin ang mga gamit niya. Oras na para harapin si Mackie. Wala naman sigurong masamang mangyayari, hindi ba? Nagsend siya ng message sa binata na pababa na siya at hintayin na lamang siya nito sa parking lot ngunit nagulat na lang si Porche nang makita ang binata na nakapark sa tapat ng hospital. Tila ito isang modelong nakasandal sa hood ng kanyang sasakyan habang hawak-hawak ang napakalaking bouquet ng sunflower. Tinanggal pa nito ang salamin niya atsaka kumaway sa direksyon niya saka naglakad palapit sa kanya. "Ang swerte naman ni Doktora, ang gwapo ng boyfriend!" Narinig niyang tili ng isang nurse sa gilid niya. "Gwapo na, mayaman pa! Anak ni Liam Guevara 'yan ses!" Sagot naman ng isa pa. Nasa harapan niya na si Mackie pero hindi niya alam kung anong sasabihin. Bakit naman kase bigla na lang siyang naubusan ng salita, samantalang napakadaldal niya. "Flowers for my beautiful date," nakangiting saad nito sabay abot sa kanya ng bulaklak at mabilis na halik sa labi niya. Narinig na naman niya ang mahihinang 'sana all' ng mga tao sa paligid niya. "Oh, makiusog na lang po tayo, baka may makaapak sa mahabang buhok ni Doktora Porche," birong sabi pa ng baklang nurse, dahilan para matawa ang lahat ng nanonood sa kanila. "Show off," Natatawa na lang si Mackie nung bigla niya itong sapakin at namumulang magmartsa papunta sa nakaparada nitong sasakyan. Ilang minuto niya pang hinintay ang binata dahil maraming nagpa-picture sa kanya. Nakalimutan ni Porche na nagmomodelo nga pala ang lalaki kasama ang mga pinsan nito. "Pwede na po ba tayong umalis?" Hindi naitago ni Porche ang inis nang makalapit na ang lalaki sa kanya. Nginitian siya nito ng pagkatamis-tamis, sa sobrang tamis nawala ang kanyang inis. Binuksan ni Mackie ang pintuan sa side ni Porche, inalalayan siya hanggang makasakay siya ng maayos sa itim na land cruiser ng binata, ito na rin ang nag ayos ng seatbelt niya bago nito kinuha ang bulaklak sa lap niya at inilagay iyon sa backseat. "Lord, kung panaginip lang 'to, wag mo muna akong gisingin!" Sigaw ni Porche ng isinara ni Mackie ang pintuan sa backseat at naglakad papunta sa driver seat. Kanina pa kase kinikilig si Porche. At hindi niya magawang kiligin ng husto habang makikita at maririnig ito ng binata. Pagkasakay ng lalaki sa driver seat, ilang minuto pa itong tumitig sa kanya bago hinaplos ang pisngi niya. Kinuha nito ang kamay niya at dinampian iyon ng halik bago pinaandar ang sasakyan. "Kanina ka pa nakangiti diyan, sabog ka ba?" Natatawang tanong ni Porche. Hindi kase iisang beses lang na biglang titingin sa kanya si Mackie habang nagda drive, iiling saka mapapangiti. "Yeah, I'm high. Mukhang magandang klase ka ng droga Porche." Sinimangutan niya ang lalaki saka inirapan. Pero hindi nakaligtas sa paningin ni Mackie ang pagngiti niya din. "But you're the kind of drug that makes me strong. Binubuhay mo ang natutulog kong junjun." Sabi nito sabay kindat. Namumulang nag-iwas ng tingin si Porche sa lalaki, kailangan niyang gawin 'yon. Dahil kung hindi, baka mahampas na naman niya ang lalaki, o bigla na lang niya itong sunggaban. Either way, madidisgrasya silang dalawa. Tahimik na lang sila habang nagdadrive si Mackie. May mga oras na bigla na lang itong kakanta, dahilan para matawa siya dahil sa sintunadong boses nito. "We're here." Anunsyo ni Mackie maya-maya pa. Nauna itong lumabas at nagpunta sa side ni Porche para pagbuksan ng pintuan ang dalaga. Hindi naiwasang hindi ma-amaze si Porche nang makita kung saan siya dinala ng lalaki. "When did you set all this up?" Takang tanong niya habang nakatingin pa rin sa harapan niya. Ang dating mini playground sa loob ng subdivision kung saan siya ngayon nakatira ay na set up bilang isang napakagandang intimate dinner date. Napuno ng mga bulaklak at maliliit na lobong kulay itim at gold ang paligid habang may nag-iisang table sa gitna, may bote ng champagne at nakita niya sila Klein at ang bunsong kapatid ni Mackie na si Pia sa gilid. "At paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" "Baby, hindi ka pa ba sanay? I'm a Guevara. I have my ways. Gusto kita, at kapag gusto ko," "Kailangan makuha ko," pagtatapos niya sa sasabihin nito. "Still doesn't answer my question as to when did you set this up." "Kaninang umaga. Kumuha pa kami ng permit sa homeowner's association para magset up dito." Hinawakan ni Mackie ang kamay niya habang naglalakad sila papalapit sa lamesa. Nakangiti pang kumakaway sa kanya si Pia habang papalapit sila. "Paano pala kung hindi ako pumayag? Edi nasayang lang lahat ng 'to?" "Oh no, My Dad never take no for an answer." Hinapit nito ang bewang niya papalapit, "So do I. Kung hindi kita madadaan sa santong dasalan, edi sa santong paspasan," bulong nito sa tenga niya, dahilan upang magtaasan ang mga balahibo niya sa katawan. Hinila na siya ng tuluyan ni Mackie papalapit sa lamesa. Agad siyang niyakap ni Pia. "Ate Porche! Namiss kita!" Masayang bati sa kanya ng nakababatang kapatid ni Mackie. "Namiss din kita, Pia!" Nahihiyang tugon ni Porche. Ilang beses na niyang nakasama si Pia ngunit hanggan ngayon, hindi pa rin siya makapaniwalang napaka down to earth ng dalagita. "Hello Porche, long time no see," hinawakan nito ang kamay niya at inundayan ito ng halik. Nakita ni Porche ang paniningkit ng mga mata ni Mackie habang nakatingin kay Klein. Tinignan siya nito sabay inirapan. "Klein, she's taken. Back off, will you?" Bahagyang natawa si Pia sa inaasal ng kapatid kaya naman lumayo siya ng kaunti kay Porche at hinila ang kamay nito na hawak pa rin ni Klein. "Iiwan na namin kayo ni Kuya Klein, marami pa kayong dapat pag usapan ni Kuya." Kumindat pa ang dalaga bago tuluyang lumayo sa kanya. "We can gossip tomorrow," Nang tuluyang makalayo ang dalawa, inalalayan siya ni Mackie paupo ngunit hindi siya nito kinakausap. He's still in a foul mood. Halatang nagselos nga ng todo ang binata sa ginawa ni Klein. "Okay ka lang Mackie?" Hindi na nakatiis na tanong ni Porche. Hindi siya sanay na tahimik ang binata. Mas lalong hindi siya sanay na makitang nagseselos ito. "Eat up, baby girl." Tinanggal ni Mackie ang takip sa plato ni Porche bago ito pumunta sa pwesto niya. Porche decided to drink water first, because, yep, she's still nervous as hell. "Mamaya ako naman ang kakain sayo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD