“Baby Heaven!!!” Malakas na tawag sakin ni mommy mula sa baba ang gumising sakin. “Si Quin anak nandito sa baba!” Tumingin ako sa orasang nasa gilid ng kama ko. Mag-aalas kwatro na ng hapon. Haynako. Buti naman pumunta dito si sis para makapag-usap man lang kami bago ako umalis mamayang six pm. Nagsuklay lang ako ng konti bago bumaba. Naabutan ko si sis na nanunuod ng Tv habang kumakain ng cookies. “Sis!” tawag niya ng makita ako. “Buti naman pumunta ka dito sis,” nakangusong sabi ko ng makaupo sa tabi niya. “Syempre naman sis, paalis kana mamaya mamimiss kita” “Mamimiss din kita Quin,” nakasimangot na sagot ko. “Grabe sis, ang tagal mo mawawala” sabi niya sabay kagat niya ng cookies. Umiwas tingin ako at humarap sa palabas sa Tv. Huminga ako ng malalim bago nagsalita. “Oo nga sis