“Vayne, bakit mo ginagawa ‘to?” Magkatabi kaming nakaupo sa gilid ng pool at parehas nakababad ang paa namin. “Ang alin? Ang maging asawa ka uli?” Nakangiting tanong niya. Tumango ako at ngumuso. “Oo, kasi kinakabahan ako sa mga kilos mo, naiisip ko si Kaye.” “Don’t mind her, wala siyang magagawa sa gusto kong gawin, alam niyang ikaw ang mahal ko,” seryosong saad niya. “Kahit na, pero magiging asawa mo siya Vayne.” Tumitig siya sa’kin na para bang binabasa ang iniisip ko. “I ask you a favor, right? Just for tonight, let’s forget everything and pretend that we’re still married. Please, Heaven I’m getting married next week this is the last favor I would ask to you” Malungkot siyang ngumiti at hinawakan ako ng mahigpit sa kamay. “Let’s treat each other as husband and wife, for one las