Ang alam ko parehas kami ng nararamdaman. Kaya masyado akong naging kampante na ‘nagbago siya’ at ‘ako lang’ hindi ko na isip na ‘yung pakiramdam na iyon pwede palang magbago. Namalayan ko ang sarili kong nasa harap ng bahay namin nila Mommy. “Ma’am Heaven? Ayos lang po ba kayo?” tanong sakin ng driver naming si Kuya Ren ng makita niya ako sa labas ng gate. Hindi ko na siya nagawang sagutin ng pumasok ako sa loob buhat ang anak ko. Naabutan ko sila Mommy at Daddy tsaka si ate sa living area, gulat na gulat silang lahat ng makita ako at si Chlem. “Anak...” si daddy. “Sis!” si Ate. “Baby Heaven, what happened? Why are you here?” Punong puno ng pag-alalang tanong ni Mommy. Mabilis na kumawala yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan. “Mommy. A-ang sakit po,” agad na lumapit sakin si mom