GODWIN VILROSSA Kanina ko pa napapansin ang pagsulyap sakin ni Miss Heaven. Hmm. May gusto ba to’ sakin? Napangisi naman ako sa naisip. Hindi malayo sa gwapo kong ‘to pero masyado naman siyang obvious kong tignan ako. “What can I do for you Miss Heaven?” tanong ko mula ng ipakilala siya sakin ni Miss Castro hindi pa rin siya lumalabas ng office at nakakapagtaka lang. “Ah w-wala s-sir..” Utal niyang sagot. Ngumiti lang ako at muling bumaling sa mga papel na pinipirmahan. “Vayne!” Bigla nalang niyang sabi. “What?” “Vayne, hindi mo ba talaga ako natatandaan?” Kumunot lang ang noo ko. Ano bang pinagsasabi niya? Sa pang-ilang beses na niya akong tinatawag na Vayne? “Yeah naalala kita, ikaw ‘yung babaeng tumatawag sakin ng Vayne..pero Miss Heaven..nagkakamali ka lang,” sagot ko at umiw