SIMULA
“LAILANA!”
Shit!
Napapikti ako at mas binilisan pa ang takbo ko. Ayoko nang bodyguards! Nakakainis! Nakakainis! Bakit ba kailangan may bodyguards ako?! I can take care of myself. May yaya na? May bodyguards pa. Since birth na ata ‘to, bwisit!
Being a youngest of Montemayor and Lopez is hard, not really hard. Paano ko ba I-explain? Well, Kuya Jm is really strict when it comes to me. Ayaw n’ya na may lalaking kakausap sa akin, ayaw n’ya na may lalaking lalapit sa akin. ‘Yung tipong may kakausap lang sa akin ay may lalapit agad na bodyguard para pakinggan ang pinag-uusapan namin.
Kaya naman nakakahiya dahil sa buong buhay ko? Hindi ko man naranasan ligawan, magka-boyfriend o ano pa man. Kahit sa locker ko ay may nakabantay pero hindi naman twenty four hours. Sa bahay lang ako walang bodyguards at yaya.
Si Kuya Daddy Landon ko naman? Ang ugali? Tutuksuhin ako sa mga lalaki tapos pag lalapitan ko? Hihilahin ako pabalik. Parang gago. Hindi ko maintindihan, bipolar nga sabi ni Ate Bella. Kunyare pa mang- aasar pero ayaw naman daw ako makita may ibang kasamang lalaki.
Si Kuya Lander? Chill lang. Ayaw din nang lalaki sa buhay ko.
Bunso ako sa dalawang pamilya.
“Lailana! Jusko! Nakikiusap ako sa ‘yo dahil patay na naman ako sa mama mo!” ngumuso ako at saka nagtago pa rin.
Gusto ko gumala mag-isa, ‘yung walang kasamang kahit sinong bodyguards or maid! Oh gosh! I am f*****g twenty one years old! Graduate na ako pero may yaya pa rin ako! May bodyguards pa! Ano silbi nang natutunan ko sa self defense! Ano silbi nang mga natutunan ko! Kaya ko protektahan sarili ko, kayang kaya ko.
“Asan na?! Hindi na nakita?!”
Nasa likod ako ngayon nang isang taxi, hindi naman kalayuan ‘to sa Mall. Pero sawa na ako sa Moa, I want something new! Kung nandito lang sana si Belle, edi sana may kasama ako araw araw. Nasa U.S kasi s’ya, doon s’ya nag-aral dahil gusto s’ya kasama nang Lola at Lolo n’ya. Gusto ko din naman s’ya kasama pero bakit hindi s’ya dito nag-aral? Edi sana sabay na kami grumaduate.
“Nakatakas na po si Young Lady.”
“Patay na naman tayo nito! Hanapin n’yo mabuti!” sigaw ni at nakita ko ang pag daan nila sa gilid ko. Napangisi ako at saka yumuko na palakad. Pumara ako nang taxi at saka huminto ‘to sa harapan ko. Tuwang tuwa ako pumasok sa loob at nilabas ko ang cash ko para pambayad sa kan’ya.
“Kuya doon sa malayong mall. May alam ka ba?”
“Wala po, miss.” napanguso ako dahil doon.
“Thirty minutes from here? Byahe ka! Hinto ka pag thirty minutes na.”
Kumunot ang taxi driver. Ang weird ko ba? Gusto ko lang makalayo sa mga ‘yon ‘e. Gusto ko lang naman gumala mag-isa. I want to go somewhere na walang nakakakilala sa akin.
Ang weird ng pangarap ko.
Kahit saan ako magpunta, sa mga party o ano. Kilala ako? Huminto ako sa pag-vlog ko. Minsan hindi ko sinasabi ano last name ko pero nakikilala pa rin nila ako dahil sa mukha ko. Dahil sa mga magazine na lumalabas kasama nag pamilya ko.
Ang weird ko nga talaga.
Gusto ko sa isang lugar na walang nakakakilala sa akin. Walang kilalang Lailana, lugar na tago, maraming bulaklak at masarap na hangin.
Malayo sa lugar na ‘to.
Ang kaso lang? Hindi ako papayagan. Kahit ano gawin ko? Hindi. Sa pag- alis sa bansa na ‘to? Kailangan alam nilang lahat. May kasama pa rin, minsan pag sinabi ko na dadalaw ako kay Belle? Tatawagan pa nila si Belle.
Akala nila maganda ang buhay ko, naiinggit sila sa kung ano mayro’n ako.
Dahil ba sa perang mayro’n ako? In my age? I am f*****g Billionaire. Wala akong ginagawa pero kumikita ako dahil si Kuya Daddy Landon mismo umaasikaso nito, silang tatlong magkakapatid. They were using my money to invest tapos sa akin din papasok.
Kaya eto ako?
Maraming pera, pero hindi naman magawa ang gusto ko.
“Ma’am, dito na po.”
Binayaran ko nang isang libo ang driver at hindi kinuha ang sukli. Lumabas ako, hindi ko alam kung na saan ako pero alam ko naman mahahanap nila agad ako dahil sa cellphone ko. Kahit naman na sutil ako ay hindi ko ino-off ang phone ko para lang ma-track ako. Ayokong nag-aalala sila sa akin nang sobra.
Isang steak house ang binabaan ko. Lumang bahay pero mukhang maraming tao. Pumasok ako sa loob.
Wearing a Gucci pink dress, maluwag sa manggas at masikip sa katawan ang dress. Maraming napapatingin sa akin. Dahil ba kilala nila ako?
Napasimangot ako dahil doon at saka pumasok sa loob. Tinignan ko ang price nang pagkain doon. It’s so mura! Oh gosh! Totoo ba ‘to?
For only One fifty? May steak ka na and water! Wow! It’s really mura dito ha?! Nakakatuwa naman. Mura din extra rice pero dalawa na lang orderin ko.
“Yes, miss? Ano order n’yo?” I smiled at the woman.
“I would like to order the steak, two pieces, one water and one soda.” nakangiting sabi ko dito. “Can you add some garlic in top of my plain rice?”
“Sure po, miss.” nakangiting sabi nito.
“Thank you so much! Here’s my money.”
I’ll give her one thousand pesos. Hinintay ko ang sukli ko at saka nilagay sa loob ng wallet ko. Pinagpasyahann ko na sa taas ako kumain. May tao din doon, may mga grupo grupo sila. Ngumiti ako at saka pumunta sa bintana.
“Bro, uuwi ka na ba talaga sa farm n’yo?”
“I need it. Walang mamahala sa farm namin.” napatingin ako sa mga nag-uusap at nakita kong isang grupo nang kalalakihan ‘yon.
Four sila at magaganda ang suot. Bago pa sila mapatingin sa akin ay iniwas ko na ang tingin ko sa kanila. Ayoko naman maabutan nilang nakatingin ako sa kanila, hindi ko naman sila kilala at saka baka kilala nila ako.
“How about you brother?”
“Nasa U.S, kasama ni Mommy. Alam mo naman.” malungkot ang boses ng lalaki.
Ang sad n’ya dahil siguro wala Mommy n’ya dito sa Philippines.