Minutes later... "Wake up, Yuri Hanna. Wake up." It was my wolf's voice that brought my consciousness back. Awtomatikong humugot ang aking baga nang hangin kasabay ng pagmulat ng aking mga mata. Noong una ay nalilito pa ako dahil sa panlalabo ng aking paningin. So I shook my head but then winced as I felt a sharp jolt of pain on my left ankle. Agad akong napabalikwas ng bangon upang sapuin iyon para lamang muling mapa-ungol nang bumangga ang aking noo sa isang matigas na bagay dahilan upang bumalik ako sa pagkakahiga. "Damn it!" pinilit kong inaninag kung saan tumama ang aking noo sa gitna ng aking nararamdamang hilo. It was blurred at first but I tried to concentrate. Nang hustong luminaw ang aking paningin ay saka ko lang nalaman na ang baba pala ng prinsepe ang aking nauntog.