"Hindi nga! May long lost brother ka K-pop Phedo! Kaya pala pareho kayong mukhang Korean superstar," nalokang bulalas sa 'di pagkapaniwala ni Shin Rivas. Nilingon ko ang maingay na Luna ng BlueMoon. "Nag-iisa akong nakaligtas sa nangyaring pagpaslang noon. This freak is a freaking weirdo freak...and he is freaking me out with his freaking lies!" Napa-O ang bibig ng lahat. Saglit na natigilan sa sobrang paggamit ko ng Freak word ngunit agad din namang naka-recover at tumingin sa akin ng may pagdududa sa ekspresyon ng mga mukha. Then Alva Kenta pouted. "Kung kapatid ni Inu Reese ang rogue warrior 'yan, then he is my soon to be brother in law, right?" I huffed. Seriously, narinig ba ng mga ito ang sinabi ko? Frustrated na bumaling ako sa aking opponent sabay ngiwi nang kumirot ang suga