DAHAN-DAHANG umangat ang mga kilay ko. Animo may nahawing ulap sa daraanan ko na sinabayan ng mga tunog ng tambol. "I apologize if my call bothers you, but it's just that I am proud and excited to tell the news because as you know, she's been with us since the beginning. Parte siya ng journey at mga tagumpay ng eskwelahan." I can't help a demonic grin. Then later I realized that I actually want to burst into laughter. Pinigilan ko na lang ang sarili. Why didn't I listen to Sonny? Dapat ay nakinig ako rito at sana ay kahapon ko pa alam. "Mr. Urbano, are you still there?" tanong ng nasa kabilang linya. I cleared my throat and then nodded. Sunod-sunod na tango na may hindi mabura-burang ngiti ang ginawa ko kahit hindi naman ako nakikita ng aking kausap. Mrs. Pendon is currently on the l