"I FOUND out na hindi lang si Miss Jessie ang umalis noong mga panahong iyon, Sir. Kasama niya ang nakakatanda niyang kapatid na si Corabelle Cabrera. May ilang dating kapitbahay sila na nagsabing madalang kung umuwi sa sitio si Miss Corabelle. Mga isa o dalawang beses nga lang daw sa isang buwan. Pero si Miss Jessie, umuwi lang daw ito ilang buwan bago sila paalisin sa bundok." Mabagal akong tumango sa bagong impormasyon na dala ni Sonny. Hindi nagtagal ay lumabas na rin siya ng office. I checked my phone for the time. Nasa Villa Katarina na marahil ang mga kasama sa team building. Ako at dalawang tauhan ang naiwan sa opisina at wala pang kalahati ng manpower sa operations at maintenance. Itinaon ng Lunes at Martes ang team building dahil hindi masyadong matao sa mall. At para hindi gaan