Chapter 10

1940 Words
"WHAT do you mean she left?" takang-tanong ko sa imbestigador na kausap sa kabilang linya. "That's impossible, Gary. Mali ang impormasyong nakuha mo." "Sir Lucas, dalawa sa mga taga-sitio ang napagtanungan ko. Ang mga ito, malalapit na kapitbahay raw nina Miss Cabrera. Ayon sa kanila, umalis ng bundok ang magkapatid at lumipat ng tirahan na malapit sa bagong eskwelahan na papasukan ni Miss Cabrera." "At saan daw 'yon kung totoo man?" "That's the problem, Sir Lucas. Hindi alam ng mga napagtanungan ko kung saan, pero ang natitiyak nila ay karatig-bayan ng San Miguel." "No. It can't be true. Scholar si Jessie sa university namin. Saan pa siya pwedeng mag-aral kundi doon? Walang katotohanan ang sinabi nila sa'yo. As a matter of fact, I don't trust those kind of people. Mahilig silang gumawa ng mga kwento at malamang na gawa-gawa lang nila ang tungkol sa paglipat ni Jessie. Keep digging, okay, Gary. Kailangan mong madala sa akin si Jessie. Kailangan ko siyang makausap bago ako umalis papuntang Maynila." "Okay, Sir Lucas. I'll do my best." Pinatay ko ang tawag sa private investigator at tinawagan ang isa sa mga kakilala kong empleyado sa university. Ang opisina nila ang humahawak sa records ng mga scholars. Baka lang sakaling may alam siya dahil iba ang kutob ko. Hindi ako naniniwalang umalis si Jessie ng San Miguel. Nabanggit niya sa akin na wala na silang ibang malapit na kamag-anak. Pero kung totoong umalis si Jessie sa university, malamang si Daddy ang may gawa. Baka tinotoo ni Daddy ang banta na alisan siya ng scholarship. "I'm sorry to disappoint you, Mr. Urbano, pero hindi ako pwedeng maglabas ng kahit anong impormasyon tungkol sa scholarship grantees ng university. Unless magkaroon ng order mula sa Daddy n'yo o kaya naman ay mula kay Mr. Chua." Humugot ako ng hangin at kalmadong ibinuga iyon. "Okay. I understand. Salamat, Rebecca." Lumabas na ako ng kwarto at dumiretso hanggang sa labas ng mansion at sumakay sa nakaparadang sasakyan. Ramdam ko ang p*******t ng ulo habang nagmamaneho papunta sa bahay nina Katarina. This thing is stressing me out for the past two weeks. I need to talk to Jessie. I want to explain everything to her. Gusto kong bigyan ng rason ang pag-iwas at paglayo ko sa kaniya. Gusto kong bigyang-laya ang isip niya sa akin. She has to forget about me. Sinabi kong liligawan ko siya, and I meant it. Gusto ko si Jessie. Masarap sa pakiramdam kapag kasama ko siya, pero walang mangyayari kung hihintayin pa niya ako. This is for her own benefit. Matalinong tao si Jessie kaya alam kong maiintindihan niya kapag sinabi ko ang dahilan. But how can I talk to her now? Kung maaari lang sanang ako na mismo ang umakyat ng bundok para hanapin siya, pero delikado. At mas delikado kung sa paligid ng campus ko siya lalapitan. Mas maraming mata roon na nakatingin lagi sa akin. Wala naman akong contact number niya kung saan pwede ko siyang makausap at duda rin ako kung may ginagamit siyang telepono. Ngayon ko napag-isip-isip na dapat ay noon ko pa siya kinausap. Noong mga unang araw na panay ang sadya niya sa mismong building namin. Nitong nakaraaang dalawang linggo kasi, hindi na niya ako inaabangan. Wala nang Jessie na naghihintay sa parking lot o nanghaharang sa aking daan. Had she given up on me? "Hello, my baby brother!" Sa living room pa lang ay masayang sinalubong na ako ni Katarina. Hinalikan niya ako sa pisngi bago niyakap. Wedding anniversary nilang mag-asawa. Pero imbes na magpa-party gaya noong mga nakaraang taon, nag-request si Katarina na pumunta na lang kami sa bahay nila para sama-samang mag-dinner. "Maaga ka ngayon, ha! Akala ko pa naman ikaw ulit ang mahuhuling dumating." "Nagkataon lang na wala akong masyadong ginagawa," sagot ko. Mas madalas talaga na huli akong dumadating sa mga okasyon ng pamilya, pero ni minsan ay hindi ko pa tinanggihan si Katarina sa mga paanyaya ito. Wala namang problema maliban sa kailangan ko ulit tiisin ang mga sasabihin ni Daddy oras na mapunta ang usapan mamaya tungkol sa akin. "So how's my baby brother? Patagal nang patagal, lalo kang gumugwapo!" I smirked as I shook my head. At twenty-two, baby brother pa rin ang tawag sa akin ni Katarina. "I'm good. Happy Anniversary nga pala sa inyo ni Markus." "Thank you. O, maupo muna tayo. Let's just wait for the others." Hinila ako ni Katarina patungo sa sofa at magkatabi kaming naupo. "Where's everyone?" tanong ko. "On the way na raw si Dad. Nasa labas naman si Markus at may kausap sa phone. Anyway, let's not talk about them. Kumusta ka na ba? Desidido ka na bang lumipat ng school? Ilang semestre na lang naman at tapos mo na ang course mo. Bakit hindi mo pa tapusin dito at saka ka na umalis?" "Buo na ang pasya ko, Katarina. Besides, nakapag-enroll na ako sa lilipatan kong university sa Maynila. After ng finals, aalis na rin ako." "I'm going to miss you. Mas magiging madalang ang pagkikita natin kapag umalis ka na." Hindi ko na sinundan ang komento niya. I shrugged and decided to switch the topic. "You look better than the last time I saw you. Wala bang nagiging problema sa inyo ni Markus?" "Oh, wala! Zero! Mas masaya kami ngayon kesa noong nagsisimula pa lang kami. I believe nalampasan na namin ang unos. Anyway, ilang taon na rin naman mula nang mangyari ang lahat. Natanggap na rin ni Markus na hindi ko kayang magkaanak siya sa iba. He chose me over his dream of becoming a father. And he's been faithful since then. Ako na lang daw ang baby niya!" she giggled. "That's good to know. What about you?" She creased her brows. "Me? What do you mean, huh? Lagi akong faithful sa asawa ko, Juan Lucas. Markus is my one and only at alam mo 'yan! Kita mo naman, hindi ba? Umabot na kami ng five years." She laughed softly. Napatango ako. "I see. I'm happy for you." "Salamat, baby brother." Marahang tapik niya sa pisngi ko at kinintalan ng magaang halik. I smiled. Katarina has always been this sweet to me. "Siya nga pala, noong nagkita kami ni Markus sa mansion two weeks ago, nabanggit niyang may ka-meeting kang abogado. Para saan ang pag-hire mo ng lawyer?" kaswal na tanong ko, pero biglang nagbago ng timpla ng mukha ni Katarina. "O-oh... w-wala naman. Uhm... business matters. Nothing serious." I am not into my sister's personal affairs. Wala lang akong mabuksan na usapan kaya ko naitanong ang tungkol sa abogado. Kung hindi ko rin kasi uunahan si Katarina, malamang na ang tungkol na naman sa akin ang gagawin niyang topic mula umpisa ng dinner hanggang katapusan. I am fed up with table conversations na ako lagi ang paksa. Tumango-tango ako at pinagmasdan lalo si Katarina. The question brought her tension. I can see it. "Okay. Para hindi ka mag-isip ng kung ano-ano, may nagustuhan akong property sa katabing-probinsiya kaya nakipagkita ako sa... isa sa mga lawyers ni Dad. That's it." "Anong klaseng property?" 'Uhm... beach house." "A beach house? Alam ba ni Markus? You know Katarina, mas maganda siguro kung hindi ka na ulit maglilihim sa asawa mo ng kahit ano. Look what happened." "Of course, of course! At hindi na mauulit 'yon, baby brother, I promise. But... to be honest, hindi pa alam ni Markus ang tungkol sa property na gusto kong bilhin. I am actually planning to surprise him on his birthday next year." Nagusot ang noo ko. "Next year? Gano'n na ba katagal ang proseso ng property acquisition?" "A-ah... hindi naman. But since wala nang okasyon na susunod sa buhay naming mag-asawa ngayong taon, sa susunod na taon ko na lang sasabihin," she explained. "O, h'wag na nga nating pag-usapan 'yan at baka biglang dumating ang asawa ko. I don't want to spoil the surprise." At sinundan niya ng tawa ang mga sinabi. Hindi ako gaanong nagtagal sa bahay nina Katarina. Pagkatapos ng dinner ay nagyaya pa siyang mag-wine sa verandah, pero sa kalagitnaan ng kwentuhan ay nagpaalam ako. Naunawaan naman ng mag-asawa na kailangan ko nang umalis. It's impossible for me to have healthy conversation with my father around. One hundred percent na puro kamalian ko ang binabanggit niya sa mga kausap. Ilang araw pa ang lumipas. Wala pa ring balita ang kinuha kong imbestigador. Ang hindi ko maintindihan, bakit nahihirapan siyang hanapin ang isang ordinaryong estudyante? May impormasyon man siyang nakukuha, duda ako dahil wala akong tiwala sa sinasabi ng mga kapitbahay ng mga Cabrera. "J-Juan Lucas..?" Isang babaeng halos kasingtaas ni Jessie ang humarang sa akin sa daan papunta sa isang bahay-kubo na inilarawan ng imbestigador na siyang tahanan ng mga Cabrera. Hindi ako nakatiis. Ako na mismo ang umakyat ng bundok para makausap si Jessie. Bahala na kung sino ang makakita at makakilala sa akin sa mga tagaroon. Sasabihin kong tungkol sa scholarship ng isa nilang kabarangay ang sadya ko. Hindi na rin siguro ito bibigyang-pansin ni Daddy kapag nakarating sa kaniya. Ano pa ba sa tingin niya ang pwede naming gawin ni Jessie? Paalis na ako sa makalawa. "Anong ginagawa mo rito?" Naaninag ko ang takot sa mukha ng babaeng kaharap ko. "Hinahanap ko si Jessabelle Cabrera. Kilala mo ba siya?" Natigilan ito. Her reaction suddenly switched from fear to animosity. "Kapatid niya ako. Ako ang ate niya." Tumango ako. "I see. Nabanggit nga niya na may ate rin siya." "Anong kailangan mo kay Jessie, Mr. Urbano?" diretsong tanong niya. Mukhang pati ang isang ito ay galit sa apelyido ko. "Gusto ko siyang makausap kung pwede. Nandiyan ba siya?" She crossed her arms at me. "Wala." Nagsalubong ang mga kilay ko. "Wala? Kung gano'n, totoo na lumipat na siya ng school." Natigilan ito na parang hindi inaasahan ang tanong. Pero maya-maya ay nang-uuyam na tumawa. "Lumipat? Paanong lumipat? Wala kaming pampaaral sa kaniya sa ibang eskwelahan. Ang scholarship lang ang inaasahan niya." Doon ako napaisip. May punto siya. "Hindi ko na kasi siya nakikita sa campus." "Hindi lang siguro kayo nagkikita, Mr. Urbano," matabang na sagot ng babae. "Napakalaki ng eskwelahan n'yo. At siguradong umiiwas na ang kapatid ko sa'yo." "Nasa'n siya ngayon?" "Umalis." Mas malamig pa sa yelo ang boses nito. I kept calm. "Anong oras kaya siya babalik?" "Hindi ko alam. Pero hindi mo siya pwedeng hintayin dito. Pabalik na si Mamang maya-maya. Magtataka ang nanay ko kapag nakita ka. Gusto mo bang mapagalitan si Jessie ng Mamang namin?" "Hindi sa gano'n." "Umalis ka na, Mr. Urbano. Baka may makakita pa sa'yong kapitbahay, siguradong kakalat sa buong San Miguel ang tungkol sa pag-akyat mo ng bundok at pagsadya mo rito sa sitio." "I know. Wala rin naman akong balak magtagal. Sa daan na lang siguro ako mag-aabang sa pag-uwi ng kapatid mo." "H'wag na." Nahinto ako sa pag-alis at pinaningkit ang mga mata ko. "Pinipigilan mo ba siyang kausapin ako? Alam mo ba ang tungkol sa amin?" "Oo. Alam ko. At gusto kong ipaalam sa'yo na okay na si Jessie. Nakalimutan ka na niya, Mr. Urbano. Natanggap na niya sa sarili niyang wala siyang maaasahan sa'yo." "May gusto akong linawin sa kaniya sa mga nangyari." "Kung ako sa'yo h'wag na lang. Kung may malasakit kang natitira para sa kapatid ko, h'wag ka na lang magpakita ulit sa kaniya. Hindi makakatulong ang anumang sasabihin mo. Bata pa si Jessie. Guguluhin mo lang ang isip at damdamin niya. Kaya kung hindi mo naman talaga siyang kayang panindigan, h'wag mo na ulit siyang aabalahin. Okay na siya. Masaya na ulit siya. H'wag ka nang babalik dito, Mr. Urbano, dahil baka itong nananahimik naming sitio madamay pa sa sumpa ng Langit sa pamilya n'yo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD