Rhina's P. O. V. "Pasapak nga sayo Rhina isang beses lang oh!" Inis na inis na sabi sakin ni Aceshelle habang nasa loob kami ng Classroom namin. Walang professor namin ngayon. Kaya naman nagawa kong ikwento sa kanya ang naging pag-uusap namin ni Alfred kahapon. Nakapamalumbaba ako sa Desk ko habang nakatingin kay Aceshelle. "Mali ba ang ginawa ko Bakla?" Sagot ko sa kanya. "Abah! Syempre! Hindi porke't may kasalanan ka may karapatan na siyang paglaruan ka! Hiwalayan mo siya!" "Mahal ko parin siya hanggang ngayon. And i want to get him back." "So ipipikit mo na lang ang mga mata mo at hahayaang marami kayong girlfriends niya! Ganon ba!" Halos tumaas ang buhok ni Aceshelle dahil sa sobrang pagkainis. Tumango ako sa kanya. "Tanga ba ako?" "Ha? Hindi ka tanga! Sobrang TANGA MO! dapat pi