Ang Lihim ni Seth AiTenshi "Masayang Pagsasama" Part 16 Pag mulat ng aking mga mata, natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga sa bilugang braso ni Seth samantalang siya naman ay nakangiti lamang at pinag mamasdan ang aking pag kakasubsob sa kanyang kilikili. "Um, magandang umaga." ang bati nito sa akin kaya naman nangiti ako at isang mahigpit na yakap ang iginawad ko sa kanya. "Panaginip ba ito? Tulog pa ba ako?" ang tanong ko sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang kasama ko siya dito sa aking tabi. "Hindi ito panaginip tol, ako nga rin ay hindi makapaniwalang kasama na kita. Ang akala ko ay imposibleng masundan kita dito, ngunit napatunayan kong walang imposible bastat ginusto mo." ang wika nito habang hinihimas ang aking ulo. "Teka, paano mo nga pala naga