Ang Lihim Ni Seth AiTenshi "Si Lolo Renante" Part 31 Kasabay ng pag bagsak ng aking katawan sa lupa ang siya namang pag takas ni Jerome mula sa kay Seth. Tila nawalan ng lakas ang aking tuhod at unti unting humihigpit ang aking pag hinga hanggang sa tuluyan na akong bumigay dahil matinding kirot. Hindi ko alam kung ano ang epekto ng pag kagat ni Jerome sa aking leeg ngunit batid kong nilason ako at ngayon ay mabilis na gumagapang ito sa aking buong katawan. Wala na akong natandaan pa.. "Ybes! Lumaban kaaaa! Ybes!!" ang sigaw ni Seth habang inuuga nito ang aking katawan. "Ybes! Ybes!" ang sigaw naman ni papa Carlos habang binubuhat nito ang aking katawan papasok ng kanilang bahay. "Naparalisa ng lason ang katawan ni Ybes. At unti unti nitong pinapatay ang kanyang mga lamang loob."