Ang Lihim Ni Seth AiTenshi "Mga bagong Umaga" Part 12 Ilang araw na ang nakalipas mag buhat noong maka uwi ako sa siyudad. Balik normal ang aking buhay. Walang malamig na hanging gumigising sa akin sa umaga. Maingay ang mga sasakyang nag daraan at walang punong malilim sa paligid. Nakakapanibago talaga kung iyong iisipin. Tila ba nakasanayan ko na ang tahimik na buhay doon sa bukid at syempre ni minsan ay hindi nawaglit si Seth sa aking isip, palagi kong suot ang kanyang kwintas na nag papa alala sa akin na lagi ko siyang kasama. Naalala ko tuloy noong dumating ako dito, halos nag kulong ako mag hapon sa aking kwarto at iyak ako ng iyak dahil masakit sa akin na malayo sa taong aking pinaka mamahal. Mabuti na lamang dahil nandito si mama na siyang umalalay sa akin mula sa ibayong kalung