Ang Lihim Ni Seth AiTenshi "Pagbabalik sa kakahuyan" Part 25 "Oyy frend, saan ka pupunta? Siguro ay mag lilive na kayo ng jowa mo doon sa probinsya hano?" pangungulit ni Jamva habang nag aayos ako ng gamit sa kwarto. "Doon sa kakahuyan, makikipag laban kami sa mga aswang, kapre, tikbalan at tiyanak." seryosong sagot ko naman dahilan para matakot ito. Mukha yatang sineryoso ang aking sinasabi. "Naku, delikado yata iyan frend. Mainam pa ay sasama ako para may katulong ka sa pakikipag laban. Alam mo namang exciting ang buhay kapag kasama ako diba? Tama ba papa pogi?" tanong ni Jamva sabay kindat kay Seth. "Ewan.." sagot naman ni Seth habang abala ito sa pag sisilid ng gamit sa kanyang bag. "Jamva, maiwan ka nalang dito dahil kailangan ka ni Buknoy, alam mo namang ikaw lang ang nakakal