Ang Lihim Ni Seth AiTenshi "Ang Makasalanan" Part 39 Muli akong lumakad sa gitna ng arena at doon ay hinintay ang susunod na pag atake ni Jerome na noon ay naging isang ganap na taong lobo kahit walang liwanag buwan. Halos ilang malalalim na sugat na rin ang tinamo ng aking katawan ngunit nagagawa ko pa ring mag patuloy. Salamat na lamang sa kakayahang ipinamana sa akin ni Amarog na siyang paulit ulit na nag liligtas sa aking buhay. Marahil ay tama nga si Seth, wala kaming laban sa ganitong anyo dahil sa huli ay tao lamang din kami na nasusugatan at nasasaktan. Iyon nga lang ay mayroon kakaibang lakas na hindi natural sa isang mortal. Mukhang kailangan kong mag isip ng paraan upang mabasag ko ang mala bakal na katawan nito ng sa gayon ay mas madali ko siyang masusugatan. Tahimik.. Ha