Napagdesisyunan nina Luan at Althea na sumunod kay Joe sa Amerika, kailangan nilang makilala ang kakambal niya upang personal itong maimbitahan sa kanilang nalalapit na kasal. "Anak, kapag nakita mo si Athena este Kikay ay iyakap mo agad kami ng papa mo sa kanya," bilin ng ina habang nagbibihis si Althea, papunta na kasi sila ni Luan sa airport para sa kanilang flight. "Yes, mama, alam kong miss na miss niyo na siya. Kung papayag siyang sumama sa amin ay uuwi agad kami," sagot naman ni Althea. "Hindi namin talaga inaasahan ng papa mo na darating pa ang pagkakataong ito," bulalas ng ina na puno ng kagalakan. Sa totoo lang ay gusto nila ng kanyang papa na sila ang magtungo sa Amerika gawa nga nang nalalapit na ang kanilang kasal at sabi ng mga matatanda na lapitin na daw sila sa disgrasy

